^

PSN Opinyon

Magandang anak ng senador, siyota ng DPWH official

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang siyota pala ngayon ng isang opisyal sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang may asawang anak ng isang senador?

Ayon sa aking bubuwit, 54 days na lang at eleksyon na.

Happy birthday muna kay DOTC Sec. Larry Mendoza, at Gov. Pedro Bacani ng Quirino.
* * *
Alam n’yo bang meron palang illicit love affair ang magandang anak ng isang senador at isang mataas na opisyal ng DPWH.

Ayon sa aking bubuwit, galit na galit ang isang anak na lalaki ni Mr. Senator nang malaman nitong may relasyon pala ang kanyang kapatid sa isang opisyal ng pamahalaan. Bulgar na ang kanilang relasyon sa DPWH at maging sa probinsiya ng senador.

Paano naman kasi, hindi sila discreet sa kanilang pagdi-date na dalawa. Sila ay pinagkukuwentuhan ng kanilang mga driver habang nasa loob ng hotel ang dalawa. Ang kanilang mga driver-bodyguard ay naghihintay naman ng maghapon sa parking lot ng hotel. Paboritong puntahan ng dalawa ay Philippine Plaza Hotel at EDSA Shangri-La Hotel.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang anak ng senador at DPWH ay nagkakilala hanggang sa magkaroon ng relasyon dahil sa kanilang trabaho. Supplier ng mga safety devices sa highways si babae at si Public Works official naman ang nagbibigay sa kanya ng kontrata.

Ayon pa sa aking bubuwit, kalat na ang relasyon ng dalawa hanggang sa makarating ito sa isang anak ni Mr. Senator. Sinasabihan niya ang kapatid na makipaghiwalay kay Mr. DPWH official.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong mga anak na lalaki ni senator ay nag-usap na pala at meron na silang planong gawin laban sa DPWH official kung hindi niya kakalasan ang kanilang kapatid. Baka siya ay itumba.

Ayon sa aking bubuwit, ang magandang anak ng senador ay si Miss P. as in Panday. At ang DPWH official ay walang iba kundi si… siya ay pogi at bigotilyo .

Siya ay si DPWH Asst. Sec. R. as in Romeo.

vuukle comment

ANAK

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

ISANG

LARRY MENDOZA

MISS P

MR. SENATOR

PEDRO BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with