^

PSN Opinyon

Tips para kay DOH Sec. Dayrit, laban sa Fabella Hospital

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
LAYUNIN kong maituwid agad ang kabuktutan ng dalawang clinical instructor ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, School of Midwifery partikular ang principal nito na si Mrs. Ruth Castro.

Malaki ang problema ng ‘‘School of Midwifery’’ ng Fabella. Pinababayaan ng dalawang clinical instructor ang kanilang mga estudyante habang isinasagawa nila ang ‘‘clinical experience.’’

Ang clinical experience ay isinasagawa sa labas ng eskuwelahan sa pamamagitan ng pagbisita bahay-bahay sa mga barangay sa tulong ng mga health centers.

Nagagawa ng mga estudyante paliguan ang mga sanggol maging ang pag-check-up sa mga ina. Subalit, ang mga instructor na dapat magbantay i-supervise ang kanilang mga estudyante, natutulog lang sa loob ng sasakyan na pag-aari ng Fabella. Tsk…tsk…tsk…

DELIKADO ang gawaing ito! Dapat isagawa agad ng Department of Health (DOH) ang masusing imbestigasyon dahil kapag hindi, mauulit-mauulit ang KAPALPAKAN at PANDARAYANG ito.

Kapag may nangyaring ‘‘bulilyaso’’ o ‘‘disgrasya’’ sa pasyente habang isinasagawa ng isang estudyante ang kanyang ‘‘clinical experience,’’ may pananagutan ang Fabella.

May pananagutan din ng Fabella kapag may nangyaring masama sa isang babaeng estudyante habang ‘‘nagbabahay-bahay’’ dahil hindi kasama ang kanyang mga clinical instructor.

Ang masahol dito, nahuli ng kanilang mga estudyante, natutulog sa loob ng sasakyan ang dalawang instructor. Nagawa pa ng mga ito mag-akusa ng pandaraya (shortcut of procedure) daw sa isa nilang estudyante.

Ganito ang nangyari kay Shirly Mateo isang graduating student ng mid-wifery sa Fabella. Dahil sa akusasyon ng dalawang ‘‘sawang busog kaya laging tulog’’ nagawa ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa pamamagitan ng prin-cipal na si Ruth Castro i-DEMOTE si Shirly.

Department of Health (DOH) Secretary Manuel Dayrit, bago kayo malagay sa malaking kahihiyan, (nag-uumpisa na nga sa kolum na ’to), kumilos na agad kayo! Para n’yo ng awa sa inyong sarili. Call me for more tips.
* * *
Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo i-text sa BITAG<space>COMPLAINTS<space> (message) to 2333 – Globe/touch mobile-334 smart/talk n’text). O di naman kaya sa aming hotline #(0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-5310 at 932-8919.

Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m. at panoorin ang programang ‘‘BITAG’’ tuwing Sabado, 7:00-8:00 p.m. sa IBC-13.

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

ESTUDYANTE

FABELLA

MRS. RUTH CASTRO

RUTH CASTRO

SCHOOL OF MIDWIFERY

SECRETARY MANUEL DAYRIT

SHIRLY MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with