Gustong mag-apply sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan

Dear Sec. Mike Defensor,

Nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa Multi-Purpose Loan (MPL) ng Pag-IBIG. Tamang-tama ang inyong isinulat sapagkat matagal ko nang gustong ipagawa ang maliit na bahagi ng aming bahay sapagkat sira-sira na ito.

Saan ako puwedeng kumuha ng application form at ibang kailangang dokumento? Gaano katagal ang paghihintay sa pag-release ng form?
– Maria Santos

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtangkilik ng Pilipino Star NGAYON (PSN). Maaari kang kumuha ng MPL application form at checklist ng requirement sa pinakamalapit na Pag-IBIG Branch. Pagkatapos mong mai-submit ang application form at requirements sa iyong Pag-IBIG Branch, ilalagay nila ang petsa sa pag-release ng iyong MPL. Maaari mo itong makuha sa loob ng pitong araw kung walang problema ang iyong mga papeles at record.

Padadalhan kita ng MPL brochure para sa karagdagang impormasyon. –Sec. Mike Defensor

Show comments