Sabi nga, for security measures ito.
Daang sasakyan pala ang nahuli ng mga concerned agencies ng pamahalaan ng bakbakan nila ang mga sasakyang walang mga plaka na nagkalat sa kalye.
Dapat lang at huwag sana kaplastikan ang kampanya ng gobyerno.
Sa Metro Manila lamang pala ito ipinatutupad sana gawin ito sa buong kapuluan. Napakahirap kasing ma-monitor ang sasakyang walang plaka lalot naka-aksidente ito. Pero bakit mga pribadong sasakyan at pampublikong vehicles lamang ang tinitira.
Eh mas matindi ang mga sasakyan ng gobyerno lalot iyong mga ambulansiya, bumbero, mobile patrol, postal vans, motorcycle units ng PNP, mga private cars, jeeps ng ilang mga pulis, etcetera.
Ito ang dapat tirahin at ilagay sa impounding area. Tama ba, NCRPO bossing de Leon.
Pero may mga nakakalusot pa ring mga vehicles na sinasakyan ng mga pulitikong pulpol kasama ang kanilang mga back-up security na parang mga hari sa daan.
Walang mga plaka ang mga sasakyan nito dahil inaalis siguro para hindi mapansin ng riding public na buwisit sa kanilang kayabangan.
Nakakatulig ang kanilang mga sirena, hawi rito at hawi roon sa mga sasakyang nakapila sa traffic dahil nagmamadali ang mga gago.
Kung minsan ay nakalabas pa nga ang mga barrel ng kanilang mga dalang baril sa bintana ng kanilang mga sasakyan.
Matindi ang mga ito kapag dumadaan sa EDSA kahit umuusad na parang mga pagong ang mga sasakyan dito ay wala silang pakialam. Ang alam ng mga kamote ay makarating ng mabilis sa kanilang destinasyon.
Parang nabili nila ang EDSA habang dumadaan sila rito. Nakatutulig ang kanilang mga sirena.
"Hindi ba mga ambulansiya, police patrol cars, fire trucks, President at Vice President ng bansa, Senate at House Speakers at Chief Justice lamang ang awtorisadong gumamit ng sirena sa kanilang mga sasakyan," anang kuwagong matador.
"Oo nga pala."
"Saludo tayo kay General de Leon, naisip niyang bakbakan ang mga sasakyang walang plaka," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sana hindi gimik lang," natatawang sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
"Tuluy-tuloy kaya ang kampanyang ito?" anang kuwagong Kotong cop.
"Dapat lang, kamote."