^

PSN Opinyon

Gising ang scanning group sa NIAA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO si Linda C. Limpe ang writer ng The 9 Lives of Luis ‘‘Chavit’’ Singson.

Kabilang sa top 10 bestsellers ng National Bookstore noong Enero ang libro ni Chavit na tumatalakay sa buhay niya at pagbalik ng katahimikan sa Ilocos Sur. Keep up the good work, Linda!
* * *
Twenty million pesos ang halaga ng mga prohibited drugs ang kinumpiska ng grupo ni Ray Isais, Bureau of Customs Scanning team leader, Venchito Arciaga, M. Castillo at V. Guzman.

Daan-daang libo ng valium at mogadon ang natiktikan ng grupo ni Ray nang magduda ang mga ito na may palamang bomba ang shipments ni Nazir Ahmed Javed.

Dumating noong Disyembre 18, 2003 ang epektos ni Javed galing Pakistan sakay ng Thai International Airlines flight-TG-620.

Binigyan nina Isais ng tamang panahon si Javed para kunin ang kanyang mga epektos at hulihin ito pero walang lumutang na Nazir sa Pair Cargo warehouse.

Ibinulong ni Isais kay Col. Joey Yuchongco, bossing nito ang shipments ni Nazir matapos nilang idaan sa x-ray machines ang mga kargamento. Bokya si Nazir porke nabuko ang kanyang kargamento.

Misdeclaration ang shipments porke dineklara itong personal effects na dumating sa pair cargo ang epektos. Kaya inatasan ni Yuchongco si Isais na ipaalam kay NAIA Customs Collector Celso Templo ang kanilang nakapa.

Inabandona kasi ni Nazir ang kanyang kargamento dahil nakatunog siguro ito na kasama siya sa karsel oras na lumutang siya sa bodega para i-claim ang mga ito. Ang mogadon ay gamit ng mga dupang noong 1969 kaya matandang droga na ito para sa mga adik-adik.

‘‘Buti na lang at hindi patulug-tulog ang grupo ni Ray sa bodega,’’ anang kuwagong maninisid ng tahong.

‘‘Simple lang ang grupo pero kayod marino kung magtrabaho,’’ natutuwang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Malalim si Isais matandang tinare na ito sa airport,’’ sabi ng kuwagong haliparot.

‘‘Ano ang nangyari sa Customs Police sa nasabing bodega?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Kasama rin sila sa humuli.’’

‘‘Hindi din pala natutulog si Lt. Reggie Tuazon.’’

Siyempre!’’

‘‘Ano ang mangyayari sa mga humuli baka buhay nila ang kapalit?’’

‘‘Trabaho lang ang sa kanila pero mas maganda kung ipo-promote sila ni Commissioner Tony Bernardo."

‘‘Dyan kamote, sana mag-dilang anghel ka!’’

ANO

BUREAU OF CUSTOMS SCANNING

CHAVIT

COMMISSIONER TONY BERNARDO

CUSTOMS COLLECTOR CELSO TEMPLO

CUSTOMS POLICE

ILOCOS SUR

ISAIS

JAVED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with