^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang mga smugglers

-
KAHIT na nabuking ang tangkang pagpapasok ng tone-toneladang karne ng manok sa bansa may dalawang linggo na ang nakararaan, tiyak na hindi pa rin sila titigil sa pag-iismuggle. Gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para makapagpasok ng kargamento rito sa bansa. Kahit na nagbanta pa ang Bureau of Customs at ang Department of Agriculture, hindi pa rin ito sapat. Madali lang namang tapalan ng pera ang mga corrupt na empleado at opisyal sa Customs. Ngayong nananalasa ang "bird flu" virus, nakatatakot na baka mga infected na manok ang ma-smuggle nila. Kawawa ang mamamayang Pinoy.

Hanggang ngayon, ang mga smugglers ng chicken meat na nanggaling sa US at nasabat sa Batangas port ay hindi pa rin malaman kung sino. Isa na namang kaso ng pagpupuslit sa bansa na mababaon na lamang sa limot.

Labingsiyam na container vans ang dumating sa Batangas noong January 24 pero natunugan ng Departrment of Agriculture kaya nagkaroon ng hold order. Pero nadismaya ang mga agents ng DA sapagkat nang puntahan nila kinabukasan ay nai-released na ang 19 na containers vans. Hinihinalang may "bird flu" ang mga karneng manok sapagkat idinaan pa ito sa Taiwan. Ang Taiwan ay isa sa mga bansang infected ng "bird flu". Ang iba pang bansa ay ang Thailand, China, Vietnam, Cambodia, Japan at Laos.

Sa pagkakabulilyaso sa puslit na mga manok, siguradong "gaganti" ang mga smugglers para mabawi ang nawala sa kanilang bilyong piso. Tiyak na nanggagalaiti ang mga "dupang" at gagawa ng paraan para makapagpasok muli. Pagagapangin muli ang kanilang pera para tapalan ang bibig ng mga corrupt sa Customs.

Ang isang dapat bantayan ngayon ng mga awtoridad, particular ang Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry ay ang "southern backdoor" katulad ng Palawan, Mindoro at iba pang isla sa Mindanao. Mula sa Indonesia at Malaysia ay ipupuslit ang mga kargamento patungo sa mga nasabing lugar sa Pilipinas. Kukutsabahin ng mga smugglers ang mga coastguard, pulis, mayor at governor. Tatapalan ng pera at ayos na ang butu-buto. Ganyan ang ginagawang pagpupuslit sa talaksan ng mga shabu mula China. Sa dakong Quezon ibinabagsak at saka lilikumin ng kontak. At hindi ba’t ang Mayor ng isang bayan sa Quezon — si Ronnie Mitra ay isa sa mga taga-deliver ng shabu gamit pa ang ambulansiya.

Bantayan ang mga smugglers! Mas magiging malala pa ngayon sapagkat ang mga pinuno ng bayan ay abala sa kanilang kandidatura. Hindi na nila nahaharap ang mga problemang nagpapahirap sa taumbayan.

vuukle comment

ANG TAIWAN

BATANGAS

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTRMENT OF AGRICULTURE

QUEZON

RONNIE MITRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with