Imported ads ni GMA
February 12, 2004 | 12:00am
LABASAN na ang mga political ads at gawa ito ng mga taga-advertising na nagtatagisan ng talino, ideya at ibat ibang concept para sa kani-kanilang kandidato. Malaking halaga rin ang kikitain ng mga diyaryo, radyo at telebisyon sa mga ads na ito. Isang bagay na malaking maitutulong sa kanila dahil sa hirap ng negosyo.
Laki rin ng perang kikitain ng mga taga advertising, isang industriyang naghihikahos na rin bunsod nga ng masamang ekonomiya. Bagamat panandalian lang ito, malaking bagay ito hindi lang para sa mga may-ari ng mga advertising firm kung hindi pati na sa kanilang mga tauhan na madalas ay nag-aalala baka kasi magsarado ang kanilang kompanya o di kayay mag retrench dahil nalulugi.
Masaya tayo para sa kanila at binabati natin silang lahat, bilib tayo sa mga kagalingan nila. Sila ang mga kababayan natin na hinahangaan pati ng mga dayuhan kaya karamihan sa mga multinational na kompanya ay sa kanila na umaasa.
Ang iba sa kanila, kinuha na ng mga dayuhang kompanya at pinakikinabangan ang kanilang talino sa ibang bansa. Subok ang kanilang husay at yan din ang dahilan kaya halos lahat ng kandidatong tumatakbo sa pagka-pangulo hanggang senador ay kumuha ng grupong aayos ng kanilang political ads.
Lahat sila ay naniniwala sa talino at galing nga mga taga- advertising natin, maliban kay Senyora Donya Gloria. Kesa kumuha ng kababayan natin, pinatunayan niya na sobra talaga ang kanyang pagkabilib sa mga dayuhan.
Sabagay, aral siya sa Georgetown hindi ba? Lagi nga niyang pinagmamalaki na classmate niya si dating US President Bill Clinton. Doon siya nagtapos ng economics at siguro doon din niya natutunan ang tamang paraan ng pag-aayos sa ekonomiya ng bansa.
O baka naman dahilan yan ng globalization at free trade na kanyang tinutulak kahit noong senadora pa siya.
Kesa kumuha ng Pinoy, ang umaayos sa advertising campaign ni Madam Senyora Donya Gloria ay mga Amerikanong taga- Hollywood pa. Baka mga humawak sa kampanya ni Arnold Schwarzenegger noong tumakbo siya bilang Gobernador ng California.
Inamin ito ng mga alipores ni Madam Senyora Donya Gloria pero ayaw nilang aminin magkano ang binabayad dito. Sabi ni K4 campaign spokesperson na si Sec. Mike Defensor ay consultants daw ang mga Amerikanong ito ng local na kompanya. Hindi naman siguro magsisinungaling si Sec. Mike, kaso nga lang tiyak ang ibabayad sa mga Amerikano ay dolyares. Tatanggap ba naman sila ng piso na alam nilang paliit nang paliit ang halaga.
Bukod sa dolyares, mataas din ang bayad sa mga consultants na yan dahil pabahay pa yan sila rito, pa kotse, may katulong at kung anu-ano pang ibang perks. Halagang tiyak mataas ng kung ilang ulit kung ikukumpara sa mga ibabayad sa mga local na eksperto natin.
Pero hindi na bale yun, total sabi ng mga taga Malacañang, hindi naman daw galing sa kabang-yaman at galing daw ito sa donasyon ng mga negosyanteng sumusuporta kay Madam Senyora Donya Gloria. Tanong ko lang, ano kaya ang kapalit, kontrata kaya o ibang deal sa gobyerno.
Pero napapalayo tayo, bagamat malaking halaga sa katulad natin at maaaring maliit para sa kanila Madam Senyora Donya Gloria at mga alipores, ang masakit sa lahat ay pinakita nila na wala silang tiwala sa kababayan nila.
Nakakasama ng loob, masyadong nakakadismaya. Pangulo pa man din pero mas ninais na magtiwala sa iba. Walang bilib sa sariling kakayahan ng mga Pinoy, kahit na alam sa buong mundo ang husay natin, lalo na sa industriya ng advertising kung saan lumalabas ang ating pagiging creative.
Ngayon sasabihin ng mga alipores niya na wala raw tayong respeto sa Pangulo, sila ang sumagot, dapat bang respetuhin. Kayo, dapat nyo ba siyang respetuhin, dapat ba siyang paniwalaan.
Madam Senyora Donya Gloria, paalala lang, ang respeto inaani at hindi nabibili.
Kayo, sabihin niyo sa akin, dapat ba siyang respetuhin at paniwalaan pa? Text lang sa 09272654341.
Ndi me nani2wala s srvey pkna lng nla ang lhat ng yan 09197349707; D me naninwala jan s survey n yan. Bkit ilan lng b ang ntnong nila. 09194289330; Hndi akoo naniwala dyan s mga survey na yan ni minsan di pa ako natanong. Pansarili lang yan. 09172737358;
Pra sa akin after election ang tunay na survey 47 years n po ako pero kht minsn wla p ako n encounter n indpendnt survey cmpny. 09185954116; Hndi totoo yang survey sa mga kandidato na yan! Tabing daan lang ang office ko, kahit minsan d ko pa naranasan ang ma survey. 09185109351;
Hndi po ako nani2wala sa surveys, gawa2 lng nila yan pra pangangat ng popularidad nla. Sa May 10 elections hntayin ntin ang desisyon kng sino tlaga ang nanguna. 09178257884; Hanap buhay lamang yang survey d dpat paniwalaan. 09202958150; Di ako naniniwala sa mga survey firm kasi kung sino ang malaki ang ibinayad siya ang ilalagay na top. 09182718028;
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay magtext sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.
Laki rin ng perang kikitain ng mga taga advertising, isang industriyang naghihikahos na rin bunsod nga ng masamang ekonomiya. Bagamat panandalian lang ito, malaking bagay ito hindi lang para sa mga may-ari ng mga advertising firm kung hindi pati na sa kanilang mga tauhan na madalas ay nag-aalala baka kasi magsarado ang kanilang kompanya o di kayay mag retrench dahil nalulugi.
Masaya tayo para sa kanila at binabati natin silang lahat, bilib tayo sa mga kagalingan nila. Sila ang mga kababayan natin na hinahangaan pati ng mga dayuhan kaya karamihan sa mga multinational na kompanya ay sa kanila na umaasa.
Ang iba sa kanila, kinuha na ng mga dayuhang kompanya at pinakikinabangan ang kanilang talino sa ibang bansa. Subok ang kanilang husay at yan din ang dahilan kaya halos lahat ng kandidatong tumatakbo sa pagka-pangulo hanggang senador ay kumuha ng grupong aayos ng kanilang political ads.
Lahat sila ay naniniwala sa talino at galing nga mga taga- advertising natin, maliban kay Senyora Donya Gloria. Kesa kumuha ng kababayan natin, pinatunayan niya na sobra talaga ang kanyang pagkabilib sa mga dayuhan.
Sabagay, aral siya sa Georgetown hindi ba? Lagi nga niyang pinagmamalaki na classmate niya si dating US President Bill Clinton. Doon siya nagtapos ng economics at siguro doon din niya natutunan ang tamang paraan ng pag-aayos sa ekonomiya ng bansa.
O baka naman dahilan yan ng globalization at free trade na kanyang tinutulak kahit noong senadora pa siya.
Kesa kumuha ng Pinoy, ang umaayos sa advertising campaign ni Madam Senyora Donya Gloria ay mga Amerikanong taga- Hollywood pa. Baka mga humawak sa kampanya ni Arnold Schwarzenegger noong tumakbo siya bilang Gobernador ng California.
Inamin ito ng mga alipores ni Madam Senyora Donya Gloria pero ayaw nilang aminin magkano ang binabayad dito. Sabi ni K4 campaign spokesperson na si Sec. Mike Defensor ay consultants daw ang mga Amerikanong ito ng local na kompanya. Hindi naman siguro magsisinungaling si Sec. Mike, kaso nga lang tiyak ang ibabayad sa mga Amerikano ay dolyares. Tatanggap ba naman sila ng piso na alam nilang paliit nang paliit ang halaga.
Bukod sa dolyares, mataas din ang bayad sa mga consultants na yan dahil pabahay pa yan sila rito, pa kotse, may katulong at kung anu-ano pang ibang perks. Halagang tiyak mataas ng kung ilang ulit kung ikukumpara sa mga ibabayad sa mga local na eksperto natin.
Pero hindi na bale yun, total sabi ng mga taga Malacañang, hindi naman daw galing sa kabang-yaman at galing daw ito sa donasyon ng mga negosyanteng sumusuporta kay Madam Senyora Donya Gloria. Tanong ko lang, ano kaya ang kapalit, kontrata kaya o ibang deal sa gobyerno.
Pero napapalayo tayo, bagamat malaking halaga sa katulad natin at maaaring maliit para sa kanila Madam Senyora Donya Gloria at mga alipores, ang masakit sa lahat ay pinakita nila na wala silang tiwala sa kababayan nila.
Nakakasama ng loob, masyadong nakakadismaya. Pangulo pa man din pero mas ninais na magtiwala sa iba. Walang bilib sa sariling kakayahan ng mga Pinoy, kahit na alam sa buong mundo ang husay natin, lalo na sa industriya ng advertising kung saan lumalabas ang ating pagiging creative.
Ngayon sasabihin ng mga alipores niya na wala raw tayong respeto sa Pangulo, sila ang sumagot, dapat bang respetuhin. Kayo, dapat nyo ba siyang respetuhin, dapat ba siyang paniwalaan.
Madam Senyora Donya Gloria, paalala lang, ang respeto inaani at hindi nabibili.
Kayo, sabihin niyo sa akin, dapat ba siyang respetuhin at paniwalaan pa? Text lang sa 09272654341.
Pra sa akin after election ang tunay na survey 47 years n po ako pero kht minsn wla p ako n encounter n indpendnt survey cmpny. 09185954116; Hndi totoo yang survey sa mga kandidato na yan! Tabing daan lang ang office ko, kahit minsan d ko pa naranasan ang ma survey. 09185109351;
Hndi po ako nani2wala sa surveys, gawa2 lng nila yan pra pangangat ng popularidad nla. Sa May 10 elections hntayin ntin ang desisyon kng sino tlaga ang nanguna. 09178257884; Hanap buhay lamang yang survey d dpat paniwalaan. 09202958150; Di ako naniniwala sa mga survey firm kasi kung sino ang malaki ang ibinayad siya ang ilalagay na top. 09182718028;
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest