^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sotto brusque

-
SINUSUPORTAHAN ni Sen. Vicente "Tito" Sotto III ang kandidatura ni action king Fernando Poe Jr. Mula nang magdeklara ng kandidatura si Da King noong nakaraang Disyembre 2003, naging laman na siya ng mga diyaryo, particular ang mga tabloids. Si Da King na may 40 taon nang nasa showbusiness ay naging laman ng mga diyaryo. Ang mga pelikula ni Da King, na karamihang ang tema ay tungkol sa kaapihan ng mga maliliit o ng masa ay naipabatid ng mga tabloids. Karamihan sa mga tumatangkilik ng pelikula ni Da King ay nagsisipagbasa rin ng tabloids. Ang mga tabloids ang nagdadala kay Da King patungo sa liblib na barangay.

Kamakalawa, sinabi ni Sen. Sotto na ang mga tabloids ay pang-"porno" lang. Ibig sabihin ni Sotto, ang laman ng mga tabloids ay malalaswa o ang tema ay tungkol sa kamunduhan o sex. Mukhang nagkamali ng pananaw si Senator Sotto at nagkaroon kaagad ng madaliang paghahatol sa lahat ng tabloids. Kung pang-porno ang laman ng mga tabloids ibig ba niyang sabihin malaswa rin si Da King. Naging mabilis si Senator Sotto sa pagsasalita at hindi na yata nag-isip bago nagbitaw ng salita. Hindi na tinimbang ang sasabihin.

Ang pagkabanas ni Sotto ay nagsimula nang ang mga Senate reporters (kinabibilangan ng mga tabloid, broadsheets at TV reporters) ay hiningan ng reaksiyon sa naglabasang isyu kay Da King tungkol sa pagkakaroon nito ng anak kay Ana Marin, isang dating starlet. Pero sa halip na magbigay ng reaksiyon ang senador, nilait nito ang mga tabloid reporters at ayaw makipag-usap sa mga ito. Sa mga broadsheets at TV reporters lang gustong magbigay ng reaksiyon ang senador. Minaliit nito ang mga tabloids. Nagulat ang mga tabloid reporters sa ginawang panlalait ni Sotto. Hindi nila akalain na ganoon pala ang tingin ng senador sa mga "maliliit na diyaryo".

Hindi dapat nilahat ni Senator Sotto ang mga tabloid. Dapat ay nag-ingat siya sa pagsasalita sapagkat gaya ng aming sinabi sa unang paragraph ng editorial na ito, ang mga tabloid ang isa sa naging behikulo ni Da King para tangkilikin ang kanyang pelikula. Kung walang nabasang tabloid hindi magiging ganap ang pagkaunawa ng masa sa kanilang iniidolo. Bago pa man ipalabas ang mga pelikula ni Da King, inaanunsiyo muna ang mga ito sa tabloids, ibabalita ng movie writers, maraming press releases at kung anu-ano pa.

At nakalimutan siguro ni Senator Sotto na ang karamihan din sa mga naghalal sa kanya sa Senado ay ang masa na nagsisipagbasa ng tabloid. Dapat ay naging maingat siya sa pagsasalita at hindi nilahat ang mga tabloids sa pagsasabing pang-"porno" lang. Hindi namin matatanggap ang pananaw mo, Your Honor.

ANA MARIN

DA KING

DAPAT

FERNANDO POE JR. MULA

KING

SENATOR SOTTO

SOTTO

TABLOIDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with