^

PSN Opinyon

"Ideological prostitute"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Nandyan ka na naman, Brigadier General Victor Corpus, nagkakalat ng iyong kamandag at lagim.

Hindi ko alam kung ano ang "hold" mo kay President Gloria Macapagal Arroyo At hindi ka mahinto nito. Tinanggal ka na sa Pagka-Intelligence Chief, Subalit hindi pa lumalamig ang kape, itinalaga ka sa ibang posisyon.


Sa rank mo bilang Brigadier General dapat alam mo ang ibig sabihin ng salitang "An officer and a gentleman." Yes, you might be an officer, but you are not a "gentleman."

Mantakin niyo, mga mambabasa ng "CALVENTO FILES" tawagin si Sen. Loren Legarda ng Political Prostitute. Anong klase yan?

Ang ginawang paglipat ni Sen. Legarda sa oposisyon ay isang "career move" na hindi dapat isisi sa kanya. Masama bang mag-ambisyon?

Kung si PGMA nga, dating nasa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada, ng siya’y manalo bilang Bise Presidente, biglang kumalas dahil meron na palang naka-ambang Impeachment Case laban sa kanya. Eh di, sa lohika ng iyong isip, (kung meron ka nga nito, dahil pati si Ador Mawanay ay napalusutan ka nung Intel Chief ka) si PGMA din pala ay isang Political Prostitute? Idinagdag pa nitong antigong Heneral na ito ang katagang "Aren’t all they, Political Prostitutes?

Yan ang tawag niya sa mga taong lumilipat ng partido.

General Corpus, merong mga katagang tanggap ng mga tao at ng lipunan upang isalarawan ang isang taong palipat-lipat ng political party. POLITICAL BUTTERFLY. Para sa iyong kaalaman. Para naman hindi magaspang ang iyong lenguahe dahil Heneral ka!

Si Sen. Legarda ba ay nagpalipat-lipat ng ibang partido o kumalas lamang siya sa partido ni PGMA kaya nanggagalaiti ka? Ang sipsip mo naman.

Dapat dumistansya sa iyo si PGMA dahil baka tamaan pa siya ng madumi mong laway na galing sa iyong bibig.

Babae pa ang iniinsulto mo. Bakit hindi kayang disiplinahin itong si General Corpus at ipaalala sa kanya na ang mga sundalo at pulis ay hindi dapat maki-alam sa Partisan Politics. Hindi mo ba alam yan?

Nag-react si Fernando Poe, Jr., si Da King, sinita si Corpus na huwag awayin ang babae. Mas lalo lamang dumami ang pogi points ni Da King ng ipakita niya na tagapagtanggol siya ng mga naaapi, lalung-lalo na ng babae.

Kung ang pakay mo General Corpus ay hilahin si Loren na pababa sa mga katagang binansag mo sa kanya, hindi rin makikinabang si PGMA dahil hindi naman kayang dalhin ni Noli De Castro ang pagkapanalo ni PGMA.

Napatunayan natin na ang botanteng Pilipino ay hindi bumoboto ng tandem o magkapareha. Kung malakas si De Castro, hindi ibig sabihin iboboto nila si PGMA. Kilalang malapit ka kay PGMA. Kilalang tauhan ka niya. Ang anumang gawin mo o sabihin mo ay hindi mo maiiwasan maiugnay kay PGMA. Baka pagbintangan pa si PGMA na siya ang nag-utos sa iyo na sabihin yun.

Mag-apologize si General Corpus? Never niyang gagawin yun. Kapalpakan nga niya kay Ador Mawanay, kahit inamin niya na nagkamali siya, hindi siya nag-apologize. Paano yan General Corpus? Ang bata mong si Ador, iniugnay din si Noli De Castro sa pamimili ng mga cellphones mula sa kanya. Kay Noli De Castro, hindi ka ba dapat mag-apologize?

Kung si Sen. Legarda ay isang Political Prostitute, ano ngayon ang tawag mo sa iyong sarili? Tumiwalag ka sa Philippine Military Academy na may dalang mga baril at bala at sumapi sa New People’s Army? Matapos ang ilang taon, bumalik kang muli sa military at naibalik sa iyo ang military rank mo. Hindi ba tugma lamang na tawagin kang "IDEOLOGICAL PROSTITUTE?"

Ano sa palagay nyo, mga nagbabasa ng column na ito.

PAKI-TEXT N’YO LANG SA 09179904918. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAG-EMAIL SA (small caps) [email protected]/

BUKAS SA PROGRAMA NI RAMON TULFO, "ANG ISUMBONG MO KAY TULFO" panoorin n’yo ang tungkol sa mag-asawang mangkukulam(?) na dahil daw sa kanila namatay ang isang lalake. Maganda po ang episode na ito. 6 to 7 p.m. sa channel 9. Huwag niyong kaligtaan dahil punong-puno po at maaksyon ang programang ito.

Lahat po ng ipinalalabas dito ay documented at bukod sa makabuluhan, makatotohanan pa.

vuukle comment

ADOR MAWANAY

DA KING

GENERAL CORPUS

LEGARDA

NOLI DE CASTRO

PGMA

POLITICAL PROSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with