Pasikatan at hindi pagalingan ang pulitika natin
February 4, 2004 | 12:00am
MARAMING isyu ang naglalabasan kay vice-presidentiable Noli de Castro pero imbes na sagutin niya ito ay nanahimik na lamang siya. Guilty kaya siya? Kung sabagay, sa latest na mga survey ay lamang si Kabayad
este Kabayan sa mga katunggali niya. Pero dahil sa hindi niya paglinaw ng mga isyu na ibinabato sa kanya, maaring makahabol pa ang mga kalaban niya bago ang actual na botohan, di ba mga suki? Sa ngayon, marami sa mga botante natin ang nahihiwagaan sa katahimikan ni Kabayan, he-he-he! Baka wala lang siyang panahon para sagutin ang mga isyu, di ba mga suki? O dili kayay tanggap na niya na talagang ganyan ang pulitika?
Kung tahimik sa ngayon si Kabayan, ibig bang sabihin niyan kapag nanalo siya sa pagka-vice president tatahimik din siya sa mga isyu ng gobyerno? Ang kailangan natin mga suki ay isang fiscalizer na vice-president, at hindi yaong tatango na lang. Saan papunta ang bansa natin kung mahalal si Kabayan na ang kapital sa pulitika ay ang popularidad niya lamang? Wag nyo sabihin mga suki na hindi ko kayo binigyan ng kaukulang babala. Huli na palagi ang pagsisisi. At dapat sa ngayon pa lang magising na kayo sa katotohanan.
Ayon naman kay Ronald Lumbao ng PMAP, by hook or by crook ay ipapanalo ng administrasyon si De Castro. Ang plano pala ng mga mokong diyan sa Palasyo, kapag nanalo si Kabayan, siya ang gaganap sa papel ni GMA noong EDSA Dos. Ibig sabihin niyan, tanggap na ng Palasyo na kakain ng alikabok si GMA kay FPJ sa darating na May elections kayat ang EDSA scenario ang kanilang pinagkaabalahan. At dahil basang-basa na ang papel ni Kabayan dahil sa lantarang protection racket nito sa smuggling at illegal gambling, kailangan pa ng Palasyo na mandaya para masiguro ang panalo nito sa May elections, anang mga pulis na nakausap natin? Papayag ba kayo niyan mga suki? He-he-he! Hindi nyo na maiisahang muli ang masang Pilipino. Habang palaging nangunguna sa mga survey si Kabayad este Kabayan, ito namang mahigpit niyang katunggali na si Loren Legarda ay hindi naman matanggap-tanggap ng EDSA 2 forces, he-he-he! Ganyan talaga ang pulitika natin, pasikatan at hindi pagalingan, di ba mga suki?
Nagpahayag din ang kampo ng oposisyon na may maitim na balak ang Palasyo para magpalabas ng pekeng survey kung saan magpapakitang pulling away si De Castro kay Legarda. Pero sa totoo lang maraming fans si De Castro ang lumipat sa kampo ni Legarda dahil sa tingin nila angkop na fiscalizer itong huli kaysa una. Sa katunayan, isang pahayagan ang kinumisyon ng Palasyo para sa black propaganda nila na sa tingin naman ng oposisyon ay hindi kinagat ng masa. Kaya mga suki, wag kayong basta-basta maniwala sa mga survey dahil marami diyan mga peke na ang layunin ay isulong ang mga manok nila sa pulitika. At para hindi maahas ni Kabayan si FPJ kapag nanalo siya, ang dapat sigurong gawin natin mga suki ay buong KNP tiket na ang ating iboto. Sa paraang yan, walang silat tayo, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended