^

PSN Opinyon

Hindi kailangan ang death penalty

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
IPinagpaliban ang pagbitay kina Roberto Lara at Roderick Licayan. Nagbigay ang Korte Suprema ng isang buwang palugit upang repasuhin ang mga bagong ebidensiyang inihain ng Public Attorney’s Office kung kinakailangan ay buksan muli ang pagdinig sa kaso ng dalawang nasasakdal.

Mula ng lumabas ang desisyon ng Korte Suprema, naging mainit na paksa na ito na pinag-uusapan at pinagtatalunan. Lahat ng mga public affairs program sa radyo at telebisyon ay ito ang sentro ng talakayan. Pati sa palengke, pondohan ng mga drivers, barberya at ibang mga pagtitipon ay ang tungkol sa hindi natuloy na pagpatay kina Lara at Licayan.

Nasisiguro kong ang PSN readers ay iba’t iba ring mga reaksyon kung nararapat nga ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagsususpendi sa pagbitay kina Lara at Licayan. Malamang na may mga tutol rin sa inyo na ipatigil ang pagbitay. Papaano naman kung talaga ngang hindi nagkasala ang dalawa na katulad ng ibang napaparusahan ng walang kasalanan dahil sa kahirapan at walang makuhang magaling na abogado?

Makakabuti ba kung alisin na ang death penalty o kailangan pa ring ipatupad ito? Narito ang mga napulot naming sinasabi nila sa mga iba’t ibang talakayan. Ang bitay ay makakatulong upang mapigilan o mabawasan ang paglaganap ng heinous crime. Sa kabilang dako, ang pagbitay anila ay isang uri ng pagpatay sa isang tao na labag sa pinag-uutos ng Diyos. Marami pa rin daw na makahalimaw na patayan ang nagaganap sa ating bayan kahit na pinaiiral ang death penalty. Mariin namang idinudulog ng mga kamag-anak ng mga nabiktima na kailangang ipatupad ang bitay upang mabayaran ang pagkitil sa kanilang mahal sa buhay.

May palagay akong hindi na kailangan ang death penalty sapagkat hindi na dapat patayin pa ang isang pumatay. Para bagang nagiging suklian na ito ng buhay sa buhay. Mayroon namang iba pang matinding kaparusahan na katulad ng pagka-bilanggo habangbuhay. Kaya lang, dapat lamang na pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng tunay na proseso ng katarungan. Hindi dapat na nabibili ang mga abogado, judges, justices, pulisya at iba pang nagpapairal ng batas at makatuwirang hustisya. Walang palakasan, pantay-pantay lamang ang pagturing sa lahat.

vuukle comment

DIYOS

KAYA

KORTE SUPREMA

LAHAT

LARA

LICAYAN

PUBLIC ATTORNEY

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with