^

PSN Opinyon

Pandaraya't pamemeke ng LPG refilling station sa QC! (1)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng investigative-TV, naisagawa ng ‘‘undercover’’ ng BITAG pasukin ang inerereklamong Liquefied Petroleum Gas (LPG) refilling station sa Quezon City sa mga PANDARAYA’T PAMEMEKENG aktibidades nito.

Ilang buwan itong trinabaho ng BITAG sa tulong ng aming ‘‘asset’’ na taga-loob. Sapul ang lahat ng mga ILEGAL na gawain sa loob ng mapanganib na planta sa ‘‘concealed camera’’ ng aming ‘‘undercover.’’

Hindi otorisado ang plantang ito ‘‘mag-refill’’ ng mga LPG cylinders tulad ng PETRON Gasul, Shellane ng SHELL at TOTAL Gas (LPG). Maliban sa panganib na maidudulot ng kanilang panloloko, hindi pa tama ang timbang ng LPG sa loob ng kanilang tangke. PEKE ang kanilang mga ginagamit na selyo.

Nagsimula ang lahat sa mga tips, sumbong at reklamong natanggap ng aming investigative team sa TV, ang BITAG. Mapapanood n’yo na ang BITAG sa bagong tahanan nito ang IBC-13, ngayong Sabado 7:00 ng gabi, kasabay ng ‘‘Imbestigador’’ ng higanteng network.

Sa unang bahagi pa lamang nung isinagawa ng BITAG ang ‘‘undercover operation,’’ kasama na namin ang Anti-organized Crime and Businessmen’s Concern Division-Criminal Investigation and Detection Group (AOCBCD-CIDG).

Esklusibong grupo ng BITAG lamang ang nag-cover nung paglusob (raid) ng CIDG sa planta, pasado ala-singko ng hapon nung Biyernes hanggang madaling-araw na ng Sabado.

Naging basehan ni Manila Judge Antonio Eugenio ng RTC Branch 24 ang mga nakuhang ‘‘footages’’ ng aming undercover gamit ang BITAG ‘‘concealed camera’’, nung bigyan nito ng search warrant ang CIDG upang maisagawa agad ang raid.

Sadyang pinili ng mga operatiba ng CIDG na sa Manila kumuha ng search warrant kasama ang grupo ng BITAG, sa halip na Quezon City. Ito’y dahil sa malawak na koneksyon ng sindikatong nasa likod ng PANDARAYA’T PAMEMEKE ng mga LPG, ang Capitol Allied Trading and Transport (CATT-GAS) sa Mindanao Avenue.

Hindi masisisi ang mga operatiba ng AOCBCD-CIDG sa kanilang pag-iingat dahil sa mga malulungkot na karanasan. Ilang beses ng ‘‘binasura’’ ng mga piskal sa Quezon City sa mga kasong isinampa nila laban sa mga iligal na aktibidad ng CATT-GAS.

Ayon pa sa aming ‘‘asset’’ marami raw kilalang media personalities sa mga higanteng TV network ang kanilang among si Dante Gutierrez, may-ari ng CATT-GAS.

Kasama daw ‘‘payroll’’ ni Gutierrez ang ilang matataas na opisyal ng pulis sa loob ng Kampo Crame na ‘‘sumasahod’’ bilang proteksyon. Garapalang nakikita raw nila ang mga ito sa planta, kumokolekta ng kanilang mga ‘‘sahod.’’

Nagawa pa daw nitong si Gutierrez magpa-interview sa isang investigative TV program sa higanteng network. Ipinangalandakan pa daw nito sa nasabing TV program na walang ‘‘ILEGAL’’ na ginagawa ang kanyang planta, ayon sa mga operatiba na aming nakasama.

Isang kolumnista sa tabloid, sinubukang ilantad ang ‘‘ILEGAL’’ sa planta ni Gutierrez sa pamamagitan ng kanyang mga ‘‘BOMBA’’ na expose’. Subalit nung tinapalan daw ito ng isandaang libong piso, biglang naging bulag, pipi at bingi ayon pa sa aming ‘‘asset.’’

Abangan, ang esklusibong Imbestigasyon ng BITAG sa IBC-13 ukol sa PANDARAYA’T PAMEMEKE ng nasabing LPG refilling station.

Kaya kayong mga ginang ng tahanan na gustong makatipid, Huwag n’yong kalimutan panoorin ngayong Sabado nang matuto.

Maaaring lingid sa inyong kaalaman ’yan inyong mga LPG cylinders na ginagamit sa inyong kusina ay mula sa mga nag- kalat na dealers ng ‘‘manggagantsong’’ plantang ito.

(Itutuloy)

AMING

BITAG

CAPITOL ALLIED TRADING AND TRANSPORT

CONCERN DIVISION-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIME AND BUSINESSMEN

DANTE GUTIERREZ

ILANG

QUEZON CITY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with