Naging mainit na usapan ang pagbabalik sa mano-manong bilangan matapos ideklara ng Korte Suprema na "tiwali" ang pinasok na kontrata ng COMELEC sa computerization ng eleksyon. Maaalalang sinalungat natin sa kolum na ito ang partial computerization dahil si COMELEC Chair Ben Abalos na rin ang umamin na 30 porsyento lamang ng halalan ang puwedeng i-computerize. Hindi pa sapat ang mga equipment para sa full automation ng darating na halalan sa Mayo. Pero binigyang diin ni Señeres na ang Automation Law o RA 8436 ay isa nang "ganap na batas". Dahil dito, ang batas ay kailanggang maipatupad.
Nang bumoto ang Supreme Court laban sa kontratang pinasok ng COMELEC sa isang pribadong grupo, obserbasyon ng ilan na tila nilabag ng SC (nang hindi nalalaman) ang batas sa automation. Nilaktawan diumano ng SC ang karakter ng COMELEC bilang isang independiyenteng lupon.
Pinanghimasukan daw ng Korte ang COMELEC at "kinapon" ang batas sa automation na dapat maipatupad. At kung babanggitin ang legal opinions nina Justice Tinga at Chief Justice Davide, wala silang sinasabing nagkaroon ng anomalya sa kontratang pinasok ng COMELEC. Sa katunayan, nagpaalala pa nga si Tinga na ang tungkulin lamang ng SC ay "resolbahin" ang legal na usapin.
Iiling-iling ang ilang observers. Ano raw ba ang tunay na dahilan ng kontrobersyang ito? talaga bang may kapalpakan ang implementasyon ng automa- tion law o isa lamang itong "pamumulitika" komo papalapit na ang eleksyon?