^

PSN Opinyon

Trahedya ng mga comfort women

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISANG mabigat na dagok ang naging desisyon ng Korte Suprema ng Japan na ibasura ang petisyon ng maraming Pilipinang lola na naging comfort women noong Second World War. Ang matatandang babae ay binaboy at ginawang sex slaves ng mga Hapones noong digmaan.

Ayon kay Lola Goreng, hindi mabilang ang mga Hapon na nagpasasa sa kanyang katawan. katorse anyos siya nang dukutin ng isang sundalong Hapon at dinala sa kampo at ginahasa. Gabi-gabi ay nagbibigay-aliw sila ng mga kasamahan niyang comfort women sa mga ospital at sundalong Hapon.

Lumuluha si Lola Mary nang mabalitang bigo ang hinaing nila sa Japanese government. Ayon sa matanda, dapat ay may tanggapin silang benepisyo dahil sa naging karanasan nila noong digmaan.

Iyak din ng iyak si Lola Inggay sa pagkakabasura ng kanilang reklamo. Sinabi niya na noong unang maupo bilang presidente si Gloria Macapagal-Arroyo ay nangako itong tutulungan ang mga Pilipinang naging comfort women. Sinabi niya na pinabayaan sila ng presidente at hindi naging masigasig sa kanilang dinulog sa gobyerno ng Hapon.

Marami pa ang dumanas ng pagmamalupit sa mga Hapones pero ang katarungan ay mailap at mamamatay silang hindi ito nalalasap.

AYON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HAPON

HAPONES

KORTE SUPREMA

LOLA GORENG

LOLA INGGAY

LOLA MARY

PILIPINANG

SECOND WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with