^

PSN Opinyon

Mga lalaking nagbebenta ng aliw

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HINDI lang mga anak ni Eva kundi pati maging kalahi ni Adan ang nagbebenta ng panandaliang-aliw at ilan sa kanila ay mga estudyante. Gaya ng mga counterpart nilang call girls, sa konting barya ay ibinebenta nila ang katawan na ang dahilan ay para makapag-aral. Katwiran nila, pansamantala lamang ang pagbebenta ng laman at kung makapagtapos sila ng pag-aaral ay maiiba na ang takbo ng buhay nila.

Ayon sa aming impormante maraming naglipanang call boy sa Taft Avenue, Maynila. Gabi hanggang madaling-araw kung pumasada sila. Madalas na tumambay sila sa Leon Guinto Street at sa Juan Nakpil Street. Sila’y lumalapit sa mga kotse at sumisilip sa bintana at inaalok ang mga alam nilang gusto ng kanilang serbisyo na karamihan ay mga bakla at matrona.

Ang mga call boy ay mga bata pa, edad 16 hanggang 25, macho at maporma. May nagpre-presyo ng P2,000, 1,500, P1,000 at habang lumalalim ang gabi bumababa ang presyo nila. Iyong mga unang nagturing na P700 ay nagiging P500 at ang P500 ay nagiging P300.

Maraming reklamo lalo na sa mga bading ang natala sa police blotter. Reklamo nila na ang ilang call boy na na-pick-up nila ay hindi pala estudyante at ninanakawan sila ng pera at cellphones.

Makailang beses nang nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis at maraming call boy ang nahuli. Ilang gabi lang ay balik sa dating gawi sila ang mga male prostitutes na umano’y mga working students sa ilang unibersidad sa Kamaynilaan.

ADAN

AYON

EVA

GAYA

ILANG

IYONG

JUAN NAKPIL STREET

LEON GUINTO STREET

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with