^

PSN Opinyon

Rizal Day

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA Martes (December 30) ay Rizal Day bilang paggunita sa kamatayan ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Si Rizal ay isang henyo. Taglay ang talino at damdaming makabayan na inihayag niya sa mga nobelang ‘‘Noli Me Tangere’’ at ‘‘El Filibusterismo’’ na nagsilbing apoy sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.

Napaka-makulay ng buhay at pag-ibig ni Rizal. Isinilang siya sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Bata pa si Rizal ay kinakitaan na siya ng katangi-tanging talino. Naging unang guro niya ang kanyang inang si Teodora Alonzo.

Nakapag-aral at nakapaglakbay si Rizal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Spain ay kasama siya ng mga kababayan na naglunsad ng propaganda movement para sa social and political reforms sa bansa. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1892, dinakip siya at ipinatapon sa Dapitan, Mindanao. Sinampahan ng kasong treason at kasabwat sa rebolusyon na sumiklab noong Agosto 1896. Siya’y nahatulang mamatay sa firing squad noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, ngayon ay kilalang Luneta.

AGOSTO

BAGUMBAYAN

DR. JOSE RIZAL

EL FILIBUSTERISMO

NOLI ME TANGERE

PILIPINAS

RIZAL

RIZAL DAY

SA SPAIN

SI RIZAL

TEODORA ALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with