Pagtulong sa kapwa

ANG aming pag-iisip ay tungkol sa pagtulong sa ibang tao na nangangailangan. Ganito ang ginawa ni Maria para kay Elisabet. Basahin ang Lukas 1:39-45.

Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet.

Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, "Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?

Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!"


Tatlong buwang pinagsilbihan ni Maria si Elisabet.. Ipinakikita sa atin ni Maria kung paanong, tulad ng kanyang Anak, siya’y naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Si Juan Bautista ay naunang ipinanganak kay Jesus. Ipinahayag ni Juan ang kapanganakan ng Mesias.

Kung tutuusin, tayo rin, bago pa tayo ipanganak, ay nabigyan na ng ating bokasyon. Binigyan tayo ng Diyos ng isang misyon na dapat isaganap sa ating buhay. May misyon tayong dapat tupdin.

Show comments