Hindi lang alternatibong kandidato si Bro. Eddie
December 20, 2003 | 12:00am
MARAMI ang nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako nagpapahiwatig kung sino ang minamanok ko sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon. Totoo po na wala pa akong napipisil sa mga presidentiables sapagkat halos pare-pareho naman ang basehan ng kanilang kandidatura. Pulitika pa rin ang dating.
Tingnan na lang ninyo ang ginagawa ng mga humahawak kay Fernando Poe Jr. Pilit nilang iginigiit ito na siyang makapagsasalba sa Pilipinas samantalang lumalabas na hindi ito makapagdesisyon kung tatakbo o patuloy na makipag-inuman na lamang sa kanyang kumpareng Erap at mga kabarkada.
Ang iba namag presidentiables na maliwanag na maghaharap ng kanilang mga Certificate of Candidacy ay nabuhay at mabubuhay nang dahil sa pamumulitika. Tubog sa pulitika ang kanilang pagkatao, ika nga. Mayroon pa nga sa kanila na hindi sa magandang paraan nanggaling ang lalaspaging pera sa darating na pulitikahan.
Subalit may lumitaw yatang pag-asa na magkaroon ng mabuti-buting kandidato sa pagka-pangulo sa 2004. Noong Dec. 15, nagpahayag si Bro. Eddie C. Villanueva ng Jesus Is Lord na handa siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Bangon Pilipinas ng National Renewal Movement. Hindi lamang siya masasabing pinakamagaling na alternative candidate kundi maaaring siya na nga ang karapat-dapat na maging pangulo ng ating bansa.
Bakit? Naging propesor ng economics si Bro. Eddie sa pamantasan at naging komunista at aktibista laban sa gobyerno kung kayat hindi salat sa kaalaman kung papaano haharapin ang mga problema ng ating bansa sa bagay na pangkabuhayan at kapayapaan. Siya ang pinuno at tagapamahala ng hindi kukulangin sa 7 milyong kasapi sa JIL. Subalit ang pinakamahalaga ay ang Diyos ang sentro at nasa likod ng pagtakbo at magiging programa bilang pangulo ni Bro. Eddie.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended