^

PSN Opinyon

Clean living,sekreto ng mahabang buhay ni Dr. manuel Cornejo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
WALUMPUNG taong gulang siya pero mukhang singkuwenta lang. Siya si Dr. Miguel "Resty" Cornejo, bantog na cardiologist at genentologist na palaging guest-doctor sa aming public service TV show.

Inamin ni Dr. Cornejo na kaya hindi siya nagmumukhang matanda ay dahil sa kanyang "clean living". Hindi siya naninigarilyo. Social drinker siya. Bihira siyang kumain ng karne lalo na ang karneng baboy. Sagana siya sa bitamina at pagkain ng mga sariwang gulay at prutas at isda sa kanyang daily diet. Araw-araw ay walong basong tubig ang iniinom niya. Alas-singko ng umaga kung siya’y gumising. Nagdarasal siya tapos ay nag-eexercise, naliligo at nagsisimba. Sinabi niya na malaking bagay ang pagiging espirituwal. Marami siyang tinutulungang batang lansangan, mga balo ng mga napatay na sundalo sa Mindanao gayundin ang mga nasa Elsie Gaches Village sa Muntinlupa. Consultant siya ng Presidential Security Group Command Hospital.

Napakaganda at mabait ang maybahay ni Dr. Cornejo. Siyam ang anak ng butihing doktor na tumanggap ng napakaraming awards sa larangan ng medisina at serbisyo publiko. Nagtapos siya ng medisina sa University of Santo Tomas at nagpakadalubhasa sa iba’t ibang bansa at sa gulang na 80 ay angkop na tagurian siyang isang living legend.

ARAW

BIHIRA

CORNEJO

DR. CORNEJO

DR. MIGUEL

ELSIE GACHES VILLAGE

INAMIN

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP COMMAND HOSPITAL

SIYA

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with