Grabeng trapik
December 16, 2003 | 12:00am
Nakapupundi na ang trapik sa Metro Manila. Kahit gabing-gabi na ay punung-puno pa rin ang mga lansangan.
Naging grabe ang trapiko nang pumasok ang Disyembre dahil sa Christmas shopping sa mga malls at ibat ibang mga commercial centers. Kahit na sa kaloob-loobang lugar ay siksikan ang mga sasakyan.
Dahil dito nasisira ang imahen ni MMDA chairman Bayani Fernando na nang unang naupo ay nagpamalas ng galing sa pagpapatupad ng mga paraan upang maging maayos ang trapiko.
Isa sa hindi ko malilimutang karanasan ang nangyari sa amin nitong nakaraang Sabado nang maipit kami sa trapiko mula sa toll gate sa coastal road patungong Bacoor, Cavite. Dati-rati ay nakukuha namin ito ng 10 minuto subalit naging dalawang oras. Pakiramdam ko ay parang nasa-impiyerno kami lalo nat mayroon kaming dadaluhang mahalagang pagtitipon.
Kasumpa-sumpa ang buhol-buhol na trapik. Para ko tuloy narinig sa ilang balikbayan na kasama namin sa sasakyan na bumubulong ng: Walang ganito sa States.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest