^

PSN Opinyon

Bakit hindi gawin na agad ngayon?

SAPOL - Jarius Bondoc -
BATI na sina PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane at Chief Supt. Eduardo Matillano. Pero masama ang iniwang salita ng huli. Ani Matillano nu’ng kasagsagan ng bakbakan nila, isisiwalat daw niya ang mga anomalya sa pondo ng PNP kung hindi magbitiw si Ebdane. Aba’y di ba’t tungkulin ng bawat opisyal na ibunyag ang ano mang nakikitang krimen tulad ng paglustay ng pondo ng gobyerno? Bakit kailangan pa sasabihin isisiwalat ang krimen kung mananatili sa puwesto ang tinutukoy na kriminal? At ngayong nagka-ayos na sila, hindi na ba magsasalita si Matillano ukol sa umano’y pagbulsa ng pamunuan ng PNP sa personnel services funds? Lugi ang maliliit na pulis at taumbayan kung mananahimik na siya.

Gan’un din ang asal ni Sen. Ping Lacson, kaklase pero matinding kaaway ni Matillano. Ani Lacson, kapag siya’y mag-Presidente, ititigil niya ang kidnapping sa loob lang ng 180 araw. Aba’y kung alam pala niya kung paano masusugpo ang krimen, bakit hindi niya ituro ngayon pa lang? Oposisyon nga si Lacson, pero bahagi pa rin siya ng gobyerno. Kaya nga government official ang turing sa kanya, at sumusuweldo siya mula sa bayan. Kung gan’un, tungkulin niya na tumulong sa paglaban sa krimen. Ayon sa Constitution, ang pangunahing trabaho ng gobyerno ay paglingkuran at ipagtanggol ang mamamayan. Dahil hindi tumutulong si Lacson, naghihinala tuloy ang madla na namumulitika lang siya. At tila pinatototohanan tuloy ang sinumpaang salaysay ni Danny Devnani na nakipag-deal ang PAOCTF sa Kuratong Baleleng sa ilalim ni Erap.

Kakaiba sa lahat si Sen. John Osmeña. Hindi na nga tumutulong sa gobyerno, sinisiraan pa ang imahe ng bansa. Sa isang malaking pulong ng foreign businessmen, tinanong siya kung ano ang maipapayo niya sa kanila. Ang sagot niya: mag-alsa-balutan na kayo at lisanin ang Pilipinas dahil puro pulitika at kulang sa gawa ang gobyerno. Natulala ang mga negosyante, lalo na’t nababasa nila sa mga peryodiko na si Osmeña mismo ang isa sa mga pasimuno ng labis na pamumulitika. Di ba’t siya ang nag-udyok ng Senate leadership coup d’etat nu’ng Hunyo 2002?

ANI LACSON

ANI MATILLANO

CHIEF SUPT

DANNY DEVNANI

EDUARDO MATILLANO

HERMOGENES EBDANE

JOHN OSME

KUNG

KURATONG BALELENG

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with