Niloko ng ka-chat sa internet
November 30, 2003 | 12:00am
Hobby ko po ang makipagkaibigan through chatrooms sa Internet. Dito ko po nakilala si Gary. Sa New Jersey na po daw sya based at mahilig din sya makipag-chat sa Internet. After another four months, napagpasyahan ni Gary na magbalik-bayan dito upang kamiy magkita ng personal. Napagkasunduan naming mag-meet sa Botanical Garden dito sa Baguio.
Nang dumating ang araw ng aming pagkikita, naglalakad ako sa may Botanical Garden nang makita ko si Gary na may kayakap na ibang babae. Siguradung-sigurado ko na sya yon dahil dala ko pa ang picture na pinadala nya sa kin. Kaya nilapitan ko sya para komprontahin. Nagulat si Gary nang lapitan ko sya at tanungin kung bakit may kasama syang iba. Siya nga raw ang nasa picture na hawak ko pero hindi raw nya ko kilala at hindi raw Gary ang pangalan nya kundi Manolito. Pinsan daw nya si Gary at sa katunayan ay nandun daw sya sa may puno na malapit sa kinatatayuan namin. Itinuro nga ni Manolito kung nasan si Gary. Hindi na po ako nagtaka kung bakit ibang litrato ang ipinadala nya sa kin. Hindi sya kaguwapuhan.
Humingi ng paumanhin ni Gary dahil sa ginawang pagpapanggap, nagawa nya po akong amuin with his sense of humor and sweetness. Pinatawad ko siya. Hanggang sa napapayag nya kong magsama na kami. Akala koy ayos na ang lahat dahil pinangako ni Gary na pakakasalan nya ko. Babalik lang daw po sya sa States dahil may aayusin daw muna sya doon bago sya mag-settle uli dito sa Pilipinas para magpakasal na kami. Ngunit hindi na siya bumalik. Napag-alaman ko kay Manolito na may pamilya na si Gary sa Maynila at hindi siya American citizen.
Napakasakit ng ginawa sa kin ni Gary. Ang problema, buntis ako.
Maari ko po ba syang kasuhan?
Louella Acosta ng Baguio City
Maari mong kasuhan si Gary for damages based on Article 21 of the New Civil Code, which provides that: "Any person who willfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for damages."
Sa kaso mo, maliwanag na nagdulot ng kahihiyan ang pagdadalang-tao na dulot ng pakikisama mo kay Gary dahil sa kanyang pagpapanggap o misrepresentation na isa syang mabuting tao at walang asawa when in truth and in fact he is already married. Pumayag kang makipaglive-in kay Gary dahil pinaasa ka nya at pinangakuan ng kasal. Sa kasong ito, deceit is demonstrated due to the fact that when Gary made such promises to you, he was already married to another.
Sa ganang akin: mag-ingat po tayo sa mga nakakausap natin through the chatroom or through text na hindi naman po natin personal na kilala. Marami pong mga manloloko sa panahon ngayon at maari tayong mapahamak dahil dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest