Kaya nang mamatay si Don Jaime makaraan ang siyam na buwan, nag-iwan ito ng malaking kayamanan. Nagsampa sina Pinky at Wena sa tulong ng kanilang ina ng Partition with inventory and Accounting ng ari-arian ni Don Jaime upang makuha nila ang kanilang mana bilang ilehitimong mga anak nito.
Sinalungat ng asawa ni Don Jaime at ng mga anak nito ang nasabing petisyon. Ayon sa kanila, ang petisyong ito ay dapat na idismis dahil binabago nito ang status nina Pinky at Wena mula sa pagiging ilehitimong anak ni Don Jaime. Maaari lamang daw itong gawin sa ibang kaso. Subalit iginiit pa rin nina Pinky, Wena at Cora na ang pagkilalang ginawa ni Don Jaime sa isang notaryadong dokumento ay sapat na upang maitaguyod ang status ng mga ito kaya hindi na kinakailangan pa ng ibang aksyon. Tama ba sina Pinky, Wena at Cora?
Mali. Tanging ang ama ng bata ang maaaring kumestyun sa legitimacy ng anak niya sa kanyang asawa. Samantala, hindi maaaring i-deklara ng mga lehitimong anak na hindi sila lehitimong anak nina Benny at Cora taliwas sa nakatala sa sertipiko ng kapanganakan ng mga ito. Kailangan munang magkaroon ng desisyon tungkol sa legitimacy nina Pinky at Wena bilang lehitimong mga anak nina Benny at Cora bago pa man masabi na ilehitimong anak nga ito ni Don Jaime (De Jesus vs. Estate of Dizon G.R. 142877, October 2, 2001).