Pumasok si Jesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, "Nasusulat: Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan !Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw."
Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan na siyay ipapapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
Si Jesus ay hindi sinaktan ng mga taong pinalayas niya sa templo. Silay mga mahihirap na nagnanais kumita kahit kaunti. Ang mga mamamalit ng pera ay kinakailangan sa templo, sapagkat ibat ibang uri ng tao na nagmula sa ibat ibang lugar ang pumupunta sa templo. Ibat ibang salapi ang kanilang ginagamit. Kung kayat kailangang may mga mamamalit ng pera.
Ang pinuna sa kanila ng ating Panginoon ay: na ang templo na isang bahay-dalanginan ay ginawa nilang isang pugad ng mga magnanakaw. Sa loob mismo ng templo ay nagkakaroon ng dayaan, pang-uumit, at pagnanakaw. Sa ginawang paglilinis sa templo ni Jesus, nahamon yaong di-malilinis ang konsiyensiya. Sa gayon, nais ipapatay si Jesus ng mga punong saserdote at mga eskriba, subalit silay natatakot sa taumbayan. Ang mga ordinaryong tao ay nasa likuran ni Jesus.
Gayunpaman, papalapit na ang pasyon o paghihirap ni Jesus.