Desidido naman si Sen. Ping Lacson sa pagtakbo. Tuwing may pagkakataon, hindi niya kinakalimutang ipahayag na matagal nang buo ang kanyang desisyon. Sa kabilang dako, ilang araw nang walang lumalabas na balita tungkol sa planong-pampulitikal ni Danding Cojuangco na nababanggit noon na nasa likod ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr.
Si President Gloria Macapagal-Arroyo naman ay walang hinto sa pag-iikot sa ibat ibang lugar ng Pilipinas. Minsan ay nasa paligid lamang ng Metro Manila at karugtong na mga probinsiya. Sa ilang iglap lamang ay nasa Visayas na at Mindanao na kaagad na namumudmod hindi lamang mga titulo ng lupa at tirahan kundi ibat ibang tulong sa mamamayang Pilipino.
May panahon pa kaya sila para pagtuunan ng pansin ang napakaraming problema ng bansa. Wala na raw pulitikahan. Magkaisa na raw upang harapin ang mga pangunahing suliranin ng bansa. Pero, ano ang kanilang ginagawa?