^

PSN Opinyon

Bitay ipatupad,smuggling itigil

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
KARAPAT-DAPAT purihin ang miyembro ng Northern Police District Force dahil sa pagkahuli ng shabu laboratory noong Martes ng umaga.  Lalong dapat sila bigyan ng promosyon dahil hindi lang laboratoryo ang  nahuli nila kung hindi nasakote pa nila ang lima na Tsino na mga mastermind sa operasyong ito.

Bukod sa mga miyembro ng NPD ay dapat ding purihin ang iba pang miyembro ng PNP at ang PDEA dahil sa mga sunud-sunod na huli ng grupong ito.  Kahit paano ang mga tagumpay nila ay sumasalba sa ating mga kabataang nalululong sa bawal na droga.

Kung ating iisipin, kabayanihan ang ginagawa nila dahil bukod  sa mababa ang suweldo nila ay buhay pa ang tinataya nila dahil tiyak malaking pera ang nawawala sa miyembro  ng mga sindikato.

Hindi ito nagsilbing hadlang at sa nakita natin iba ang determinasyon ng grupong ito na dapat talagang kilalanin. 

Kaso nga lang, dami  na nilang huli pero bakit hindi maubos ang supply ng bawal na droga.  Mukhang tuloy din ang pagpasok ng mga materyales sa paggawa ng droga at parang  walang takot ang mga miyembro ng sindikato.

Para tuluyang matigil ang bawal na droga sa atin ay kailangan ang buong suporta at aksyon ni Madam Senyora Donya  Gloria at  si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo.

Hindi maaari na  papasyal lang si Madam Senyora Donya Gloria kung saan may huli ang mga awtoridad, papakuha ng litrato at tv footage  at nagsasalita sa media pagkatapos ay  aalis.  Pang-press release lang yan Madam.

Ang kailangan ay ipakita ni Madam na hindi siya sunud-sunuran sa retirado ng ang KARDINAL SIN at ipatupad ang sentensiyang lethal injection sa mga kriminal lalo na sa mga taong sangkot sa bawal na droga.

Importanteng gawin ito ng Malacañang at maganda pa nga ay isang dayuhan ang gawing sample para magsilbing aral sa buong mundo na sa Pilipinas hindi tayo mag-atubiling ipatupad ang sentensiyang kamatayan sa mga drug dealer.

Tingnan niyo ang Malaysia at Singapore takot kahit sino na magpasok ng droga roon dahil hindi ka bibiruin at tutuluyan  ka kahit na sino ang makiusap.

Si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo naman ang dapat gawin ay utusan ang mga alipores niya sa Bureau of Customs na tigilan na ang walang humpay na smuggling, siyempre kasama na ang mga materyales sa paggawa ng shabu.

Ayaw nating maniwala, pero ang balita sa Aduana at pinagmamalaki  pa ng mga smuggler ay protektado ni JOSE PIDAL ang mga kontrabando basta lang magbayad ng P150,000 kada container van.  Walang bukasan ito, walang inspeksyon kaya madadali ang pagpasok ng mga materyales na ginagamit ng sindikato.

Yan ho ang dalawang malaking dahilan bakit tuloy ang walang takot na operasyon ng bawal na droga sa atin.  Tiyak di-sasang-ayon ang Palasyo sa sinulat natin.  Tiyak sasabihin nilang walang basehan at gaya ng sagot  nila sa kaso ng JOSE PIDAL ay ilabas ang ebidensiya.

Meron hong ebidensiya, literal na napakarami, tingnan ang patuloy na pagpasok ng kontrabando na lantarang binebenta sa kalye na siyang dahilan ng pagbagsak ng ating local na industriya at pumapatay sa ating mga magsasaka at manggagawa.

Eto pa ang mga dagdag na ebidensya, laganap pa rin ang droga at alam ng sambayanan kung gaano karami sa ating kabataan ang tuloy na nasisira at nalululong sa bawal na gamot.

Madam Senyora Donya Gloria at Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo, kayo lang ho ang tunay na makakapigil sa paglaganap ng droga. Sa isyung ito man lang ay tunay na aksyunan n’yo dahil walang tigil ang pag-angat ng bilang ng krimen bunsod ng bawal na gamot. 
* * *
Sa nangyari sa naia sna mgkaroon ng justice. Tila nman ngpadalos dalos ang SWAT. Meron b clang knkatakutan at mbunyag. –09167988753;  Pwede ba yan sila ang hahatol sila ang inaakusa siempre sila ang manaig. –09207597611;

Icnugal n p. villaruel ang buhay pra s atin sna nman gumicing n tyo. –09169594129; Kawawang pinoy legal ang corruption pag kakampi ni ATE Gloria PIDAL, patay o baon sa kaso pag kalaban tulad ni Col. Villaruel at Ping Lacson. –09183538585;

Davide at jose pdal case tpos na pro kuratong case tpos n pro binubuhay pa. –09196493956; Kahit anong sama ng isang tao dpat patawarin lalo n kung suko na ktulad ni villaruel, dpt bnigyan cya ng pagkktaon pra msabi nya kng bkit gnawa nya ang ganon. –09197609288;

Villaruel pntay pr tumahimik na at di mkpgsalita. Davide impeachment pntay n rin pr d n maimbestighn, ekonomiya pnptay ng mga ekonomista ky mrmi png llbas n k2ld ng mga mgdlo. –09228028662; Cndyang pthmkin c villaruel pra hnd mbulgar ang bho ng gbyrno n Gloria. –09203934824;

Alam mo kung di napatay ang mga siraulo na mga yun (villaruel and co.) marami na namang inosente ang napahamak. –09169297154; Bkt po pagnagccwalat ng baho ng pamahalaan pnptay kaagad dppat cla n ang patayin kc mga corrupt cla. –09202619585;

Nkkta nyo ang mali ng mga bumaril kay villaruel pro ang mali nya hndi. D end does not justify the means. –09206225585; Kng ano2 slat mo l‚ban arroyo govt gulo 2loy pinas. –09192477751.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y magtext sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

BAWAL

DROGA

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MIGUEL ARROYO

SIR SENYOR DON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with