^

PSN Opinyon

Rosebud laban sa ilegal drugs

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG radyo ang sinasabing pinaka-epektibo na medium of communication. May mga lugar pa kasi sa Pilipinas ang hanggang sa ngayon ay wala pang kuryente at dahil sa napakalayo at liblib na pook kaya walang diyaryo na mabili at mabasa. Kahit walang kuryente ay uso na ang radyong de-baterya. Bukod sa nakalilibang, ang radyo ay nakapagtuturo rin, nakapagpaparating ng pinakasariwang balita at impormasyon at serbisyo publiko.

Sa hangaring mas napalawak ang kampanya laban sa mga bawal na gamot kaya naisipan ng crusader na si Mary Ong na mas kilala bilang ‘‘Rosebud’’ na pumalaot na rin sa broadcasting. Ang kanyang programang ‘‘RAID’’ na sumasagisag sa Rosebud Against Illegal Drugs ay sumasahimpapawid sa DWDD, Armed Forces Radio, 1130 khz mula ala-6:00 a.m. hanggang 8:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes.

Very timely ang programa ni Rosebud na nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong samahan sa kampanya laban sa droga. Maagang aksyon ang naiaambag ng kanyang radio program gaya nang pagbabalita ng raid sa bahay ng isang drug trafficker sa Forbes Park at sa pagkakalansag ng sindikato ng droga sa Hermosa, Tondo, Maynila. Madaling nakakapanayam ni Rosebud ang mga awtoridad na nagsasagawa ng raid at iba pang operasyon.

Kapag on the air na si Rosebud ay naka-monitor sa kanya ang mga field reporters na nag-uulat ng pinakahuling balita. Nakasisiya ang feedback at audience participation ng programa ni Rosebud na hinihimay ang pinakaugat ng drug trafficking gayundin ang pagbubunyag ng mga katiwalian kabilang na ang ‘‘narcopolitics’’ na balitang namamayagpag na naman dahil sa nalalapit na halalan.

Ang BANTAY KAPWA ay tauspusong bumabati kay Rosebud at sa mga kasamahan niya sa ‘‘RAID." Keep up the good work!

ARMED FORCES RADIO

BIYERNES

BUKOD

FORBES PARK

HERMOSA

KAHIT

KAPAG

MAAGANG

MARY ONG

ROSEBUD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with