^

PSN Opinyon

Dating congressman may magandang chiching

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang matulis pa pala itong dating congressman?

Ayon sa aking bubuwit, 47days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Ms. Pinky Colmenares, Bro. Alfredo Espino, Bro. Mae Cabrera, Prince Romeo Gan, Carmen Idquival, Alma Camcam, Bro. Joe Caymol, Bro. Carlos Villanueva, Nina Patricia Cruz at Christian & Clarence Cabal.
* * *
Alam n’yo bang matulis pa rin ang isang dating congressman kahit ito ay nagkaka-edad na?

Ayon sa aking bubuwit, noong November 4, 2003, dakong 4 pm ay may ka-date na magandang chiching si Congressman.

Sila ay very sweet sa isang coffee shop sa Greenbelt I, Makati City.

Sila ay nakita ng aking bubuwit habang nagka-kape sa Starbucks, Greenbelt I, Legazpi St., Legazpi Village, Makati City.

Hindi na sana mapupuna ang dalawang magsiyota kundi patagu-tago si Sir sa sulok ng Starbucks.

Siya ay payuko-yuko pa para hindi makita ang kanyang mukha.

Lalo namang nagka-interes ang aking bubuwit sapagkat ang kasama ni Congressman ay magandang chiching.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ni Congressman ay mestisahin.

Hanep ka Sir, paano mo nabulag ang chiching na ito. Sabagay, mayaman kasi si Congressman at saka may hitsura pa rin naman siya bagaman siya ay medyo nagkaka-edad na.

Kaya lang ay sumobra yata ang kanyang kapayatan ngayon.

Ang chiching ay paga-betty singko anyos. Maputi, makinis, maganda at saka red lips.

Ito ay naka-suot ng maong pants at brown shirt.

Hanep p’re, daig pa ang ilang artista ang ganda.

Parang hawig kay actress Kristine Hermosa.

Sabi nga ng aking bubwit, ang chiching ay Kartada Otso.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Congressman naman ay nakasuot ng Barong Tagalog na medyo yellowish ang kulay.

Naka-black pants, black socks at black shoes.

Hanep naman ang aking bubuwit pati kulay ng medyas ay kinilatis pa.

Ayon pa sa aking bubuwit kapag nag-uusap si Congressman at Chiching ay halos magkahalikan na.

Si congressman naman, kapag tinitingnan sila ng mga nagkakape sa Starbucks, panay naman ang yuko nito na parang itinatago ang kanyang mukha.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dating Congressman na may magandang chiching ay walang iba kundi si…

Siya ay taga-Timog Katagalugan. Kumandidato sa pagka-governor subalit natalo.

Ang congressman ay kapangalan ng isang hayop na nagbubuga ng apoy.

Siya ay walang iba kundi si dating Congressman D.R. as in Dating Representatives.

vuukle comment

AKING

AYON

BUBUWIT

CENTER

CHICHING

CONGRESSMAN

GREENBELT I

HANEP

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with