Noong taong din yun, naipasa ang Wage orders 4-A at 4 kung saan ang wage increase ay P16 at P4.
Hiniling ng unyon sa kumpanya ang across-the-board wage increase. Tumanggi ang kompanya dahil hindi raw sila saklaw ng panukala dahil wala naman sa kanilang empleyado ang tumatanggap ng P145 kada araw. Sa huli ay natuklasan nilang tanging si Bart sa kanilang mga empleyado ang may suweldo ng P145 kada araw. Gumawa ng paraan ang kompanya na tanggalin si Bart sa serbisyo. Kung susunod kasi sila sa panukala, magdudulot ito ng wage distortion kung saan kinakailangang ayusin ang suweldo ng ibang empleyado.
Kaya, inabisuhan nila si Bart na kailangan nang magtanggal ng mga manggagawa dahil mahina na ang nagiging produksyon nito. Forced leave with full pay ang
itinalaga kay Bart.
Naniwala si Bart sa kumpanya kaya malugod niyang tinanggap ang separation pay at kusang-loob na pumirma sa deed of release and quitclaim. Subalit, nagsampa pa rin si Bart at ang unyon ng reklamo laban sa kumpanya. Iginiit nilang hindi legal ang pagtititwalag kay Bart. Umiiwas lamang daw ang kumpanya sa nasabing panukala. Hiniling din ni Bart na ibalik siya sa serbisyo.
Depensa ng kompanya ang kusang-loob na pagpirma ni Bart sa deed of release and quitclaim. Natanggap naman daw ni Bart ang kaukulang halaga. Ito raw ay naayon sa batas kaya hindi na maaaring bawiin pa. Tama ba ang kompanya?
HINDI po. Batas mang maituturing ang pagpirma ng dalawang partido sa deed of release and quitclaim, maaari pa rin itong bawiin. Sa kasong ito, malinaw na napatunayan ang panlolokong ginawa ng kompanya para lamang maiwasan ang epektong idudulot ng wage order. Dapat ay igawad kay Bart ang nararapat na suweldo nito. Kaya, muling ibinalik sa serbisyo si Bart at natanggap ang kaukulang danyos.