Basahin natin ang salaysay ni Lukas (Lk. 14:1-6).
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Jesus ang isang taong namamanas. Kayat tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kasulatan, (Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi? Ngunit hindi sila umiimik, kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila) Kung kayoy may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga? At hindi sila nakasagot sa tanong na ito.
Si Jesus ang Panginoon ng awa. Ang kanyang pagkahabag at pagmamahal para sa isang taong may sakit ay nangingibabaw kaysa sa batas na nagbabawal gumawa sa Araw ng pamamahinga. Ang kanyang gawain ng pagpapaga-ling ay hindi hadlang sa kanyang patuloy na pakikiisa sa Ama. Ang pagpapagaling ay nagsasalarawan ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
Nakikita ng mga tao kung gaano kakongkretong ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagmamahal para sa mga maysakit. Sa pagpapagaling sa isang lalaking may sakit, ipinakita ni Jesus sa atin kung gaano tayo kamahal ng Diyos.
Nalalampasan ng pagmamahal ang lahat.