Ang All Saints Day at All Souls Day ay panahon ng pag-alaala sa mga yumaong kamag-anak. Masarap alalahanin ang mga bagay na itinuro sa atin at mga pinagdaanan sa buhay. Ang kanilang pagmamahal at pagkalinga sa atin ay magandang paggunita ng nakaraan para gawing halimbawa sa pagpapalaki sa ating mga anak.
Sa iba, ang panahong ito ay panahon ng pamamahingang pansamantala sa ating mga trabaho. Kadalasang pumupunta ng probinsiya upang makalanghap ng malamig at preskong simoy ng hangin. Nagmumuni-muni sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay at pagsasaayos ng sarili sa anumang pagkakamaling ginawa.
Sa mga pupunta ng sementeryo, maging maingat at mahinahon sa pagmamaneho. Magbigayan at konting pasensiya lamang po sa kanya. Maging mapayapa po sana sa pagdaos natin ng All Saints Day.