^

PSN Opinyon

2 opisyal na uupo sa PNP mga "ladies man"

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MARAMI ang natuwa sa pag-anunsiyo ni Presidente Arroyo na tatakbo siya sa darating na May election at kabilang na dito ang kababaihan. Sa liderato kasi ni GMA, maraming kababaihan ang nakaupo sa puwesto at sa tingin natin, maganda naman ang mga performance nila kahit may ilan sa kanila ang inuulan ng negatibong puna mula sa sambayanan. Hindi na natin sila iisa-isahing pangalanan, imbes ipanalangin natin na lalong pag-ibayuhin nila ang trabaho para makamit ni GMA ang pangarap niyang reconcilation at reporma, he-he-he! Maging positibo naman tayo sa ating kababaihan. Kung sila ang kasagutan sa mga problema ng bansa natin, bakit hindi sila pagbigyan?

At bago dumating ang May elections, may dalawang kababaihan pa ang iuupo ni GMA para isulong ang kanyang kandidatura. Putok na sa Camp Crame kasi na ipipilit ni GMA na iupo sa mataas na puwesto ng PNP at sa NCRPO ang mga opisyal na ang mga asawa ay palaging nakikialam habang sila ay nasa serbisyo. Kung sabagay, ilang beses ng sumemplang itong mga opisyales na ito dahil sa mga asawa nila at alam ’yan ng Palasyo. Subalit kung gagawin sukatan ang loyalty at hindi seniority sa tingin ng mga opisyales sa Camp Crame patok ang dalawa sa nabanggit na mga puwesto. Ang dalawang opisyal na ikinakalat na uupo sa PNP at sa NCRPO ay kapwa mga ‘‘ladies’’ man, he-he-he!

Maganda naman ang track records ng dalawang opisyales subalit kumakalat din na itinutulak sila ng Pampanga connections sa Palasyo para nga lalong tumagal si GMA sa puwesto. Malaki ang magiging trabaho ng dalawa sa darating na elections kaya’t sila ang napupusuan ni GMA, anang taga-Camp Crame na nakausap ko. Ang tanong lang, marendahan kaya nila ang mga asawa nila? Tukoy sa Camp Crame kung sino ang dalawang opisyal

vuukle comment

CAMP CRAME

GMA

MAGANDA

MALAKI

PALASYO

PAMPANGA

PRESIDENTE ARROYO

PUTOK

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with