^

PSN Opinyon

Di-malaman ng station commanders kung paano ibibenta ang tiket ni Insp. Jovit Moya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PARANG nabagsakan ng mundo ang mga station commanders ng Western Police District (WPD) hindi lamang dahil sa pagsara ng mga pasugalan ni Buboy Go sa Maynila kundi bunga na rin sa umuulan na tiket na dumapo sa kanilang mga opisina. Binagsakan kasi ng isang Insp. Jovit Moya ng nagkakahalaga ng P10,000, P20,000 at P30,000 na tiket ang mga station commanders at hilung-talilong sila sa ngayon kung paano nila ito maibibenta dahil sarado na nga ang ‘‘tabakuhan’’ nila. Magkakaroon kasi ng isang pa-golf tournament na kung tawagin ay 1st WPD District Directors Cup sa Biyernes sa Intramuros Golf Course at tig-P1,500 ang isang tiket. Hindi malaman ng mga station commanders kung paano nila maibibenta ang mga tiket dahil ‘‘no exchange, no return’’ ito ayon kay Moya, anang mga Manila’s Finest na nakausap ko. Kung wala kayong makitang pulis sa kalye sa Maynila para habulin ang mga kriminal nitong nagdaang mga araw hanggang Oct. 10, huwag na kayong magtaka mga suki dahil abala sila sa pagbenta ng tiket ng pa-golf nga, he-he-he! Piyesta na naman ang mga kriminal n’yan…

Pero hindi lang si Moya ang may gimik ng pa-golf. Maging si SPO3 Pedro Marzan ng eastern CIDG ay nagpapakalat din ng tiket sa eastern Metro Manila nga. Ang kaigihan lang nitong si Marzan ay bukas ang mga pasugalan sa kaharian niya kaya’t marami ang mapipilit niyang bumili ng tiket na nagkakahalaga ng P4,000. Nakikipag-away pa si Marzan kung tatanggihan ang tiket niya. Aba, tingnan natin kung hanggang saan ang tigas ni Marzan, di ba mga suki? Isa lang kasi si Marzan sa mga sumisira sa liderato ni Dir. Eduardo Matillano, ng CIDG. Ano ba ’yan?

Kaya pala tumataas ang bilang ng krimen sa ating bansa dahil balik na naman sa dating gawi ang hilig ng mga opisyales ng PNP na kung hindi naggo-golf ay naglalakad ng promotions o puwesto nila sa darating na rigodon. Bakit hindi kayang ipagbawal ito ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr.? Kasi nga nauubos lang ang oras ng kapulisan natin sa pagbenta ng tiket at kung ano pang uri ng solicitation. Ang mga pulis daw ay naka-deploy sa ngayon subalit hindi para tugisin ang mga kriminal kundi hanapin ang kanilang PR para bentahan ng tiket. Samantalang ang mga hepe o superiors nila ay naglilibang lang sa paglaro ng golf, he-he-he! Kamahal naman ng larong ’yan at ang mga gambling lords palagi ang kawawa.

Ang tee-off time ng pa-golf ni Moya ay alas-6 ng umaga. ‘‘Golf for a Cause‘‘ umano ito pero hindi naman nakasaad sa tiket kung sinu-sino ang mga beneficiary. May apat na bahagi ng tiket tulad ng lunch, caddy ticket, raffle ticket at registration. Sigurado akong magiging masaya ang golf tournament ni Moya at aabangan natin mga suki kung sinu-sinong heneral ang nandoon. At kapag may nangyaring malaking krimen tulad ng kidnapping at bank robbery ipaalam natin sa sambayanan kung sinu-sino ang wala sa kani-kanilang opisina para managot, di ba mga suki? Kasi nga nagbabayad ng tamang buwis ang sambayanan eh hindi naman sinusuklian ng trabaho ng ating kapulisan.

BUBOY GO

DISTRICT DIRECTORS CUP

EDUARDO MATILLANO

GOLF

HERMOGENES EBDANE JR.

KUNG

MARZAN

TIKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with