^

PSN Opinyon

Suwereteng pamilya

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HULOG ng langit sa may 50 pamilyang squatters ang ibinigay na haybol sa kanila ng mga kawani ng Bureau of Customs sa NAIA.

Nagsama-sama ang mga kawani ng NAIA-Customs na boluntaryong nag-ambag ng pitsa upang pakinabangan ng may 50 pamilya na pawang mga nakatira sa squatters sa airport para bigyan sila ng maayos na matitirhan.

Ang two-storey houses ay itinayo sa may Paseo de Aduana, Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Ang nasabing proyekto ay galing sa mga donasyon ng mga taga-NAIA Customs at bahagi rin ito ng housing project ni Prez Gloria.

Mayroon nang 15 housing ang puwede ng lipatan at tirhan. Samantala, ginagawa pa ang ibang bahay na malapit nang matapos at anumang oras ay puwede na ring tirhan.

Ika nga, pang-Christmas gift ng Customs sa poor.

Malapit lamang sa runway ang nasabing mga bahay na itinayo pero may eight feet ang layo naman nito mula sa perimeter fence ng paliparan.

Ang mga opisyal ng NAIA-Customs sa pangunguna nina Customs Collector Celso Templo, Deputy Customs Collector Mimel Talusan at Deputy Customs Collector Fil Carreon ang naka-isip ng konsepto kaya nakipag-coordinate sa housing project ni Prez GMA para mabigyan ang mga squatters ng maayos at simpleng haybol.

Bahagi kasi ito ng nation project ni Prez Gloria.

Kaya ang taga-Customs ay nakiisa sa nasabing proyekto.

Ang proyekto ay tinawag na ‘‘Gawad Kalinga’’ ng bureau.

Kabilang din sa mga nakiambag sa nasabing project ay ang mga Customs personnel sa Manila International Container Port, Port of Manila, maging sina Customs Commissioner Antonio Bernardo at Deputy Customs Commissioner Rey Allas ay nagpakawala rin ng pitsa para sa pahaybol.

‘‘May magandang puso rin pala ang mga taga-Customs,’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Iba kasi ang mentali-dad ng iba nating mga kababayan basta taga-Customs alam mo na ang ibig kung sabihin,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Ngayon lumabas ang kulay ng mga ito mapagkawanggawa pala sila,’’ natutuwang sinabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sana pati ibang ahensiya ng pamahalaan ay maka-isip ng ganito dahil malaking tulong ito sa mga mahihirap.’’

‘‘Sana nga!’’

‘‘Sa palagay ko may susunod sa yapak ng Customs?’’

‘‘Ang mag-smuggled?’’

‘‘Hindi ang mag-donate ng haybol sa poor."

"Sana nga, kamote!’’

vuukle comment

BARANGAY STO

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS COLLECTOR CELSO TEMPLO

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DEPUTY CUSTOMS COLLECTOR FIL CARREON

DEPUTY CUSTOMS COLLECTOR MIMEL TALUSAN

PREZ GLORIA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with