^

PSN Opinyon

Batangas customshouse inupuan ng ASIIC

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI pala ang nerbiyos ng mga kamoteng taga-Batangas customshouse dahil binulabog at inupuan daw ng grupo ng Anti-Smuggling Intelligence and Investigation Center (ASIIC) ng Palasyo ang kanilang mga illegal na hotraba rito.

May 11 container vans daw kasi ng misdeclared shipments ang pinigil ng nasabing grupo dahil nabuko na may epektos na karga.

Mga donuts (gulong) pala ang laman.

P300,000 lang ang inilaan para sa buwis ng gobyerno rito pero million of pesos ang pinag-uusapang pitsang paghahatian ng mga bugok. At least, nagbayad kahit papaano.

Ang problema, ayaw daw pumayag ng ASIIC sa ginawang style ng mga kamote kahit nag-add sila ng P1 million para sa taxes for the government. Nasupalpal kasi ang operasyon hindi lang P1.3 million ang dapat mapunta sa gobyerno bilang buwis. Ika nga, palso ang hotraba.

Inuuna kasi ng mga bugok ang pansariling interes kaysa sa interes ng bayan. Kaya hayun, kamot balakubak ang mga gago.

May apat na linggo na nakabimbin ang mga donuts naghihintay ng patak ng ulan para mailabas daw ito. Hanggang ngayon ay wala pang kinang kung ito ay papayagan ng mga secret agents ng Palasyo. Buti nga!

Problemado si Egay.

Wala kasing illegal na shipments ang puwedeng pumasok sa Batangas customshouse nang hindi nakatimbre kay Egay.

Si Egay lang daw ang binigyan ng basbas ng mga hunghang sa Batangas customshouse para makipag-ayos sa grupo ng economic saboteurs.

"Sino ba si Egay?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Ito ang taga-ayos ng lahat ng illegal transaction sa nasabing lugar," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Sorry, bitin sa espasyo ang Chief Kuwago sa susunod na lang."

ANTI-SMUGGLING INTELLIGENCE AND INVESTIGATION CENTER

BATANGAS

BUTI

CHIEF KUWAGO

CRAME

EGAY

HANGGANG

PALASYO

SI EGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with