Ang paglalakbay sa Jerusalem
October 1, 2003 | 12:00am
ANG Jerusalem ang lugar na kung saan mamamatay si Jesus. Bagamat alam niya ito, naglakbay pa rin siya patungong Jerusalem. Basahin ang Lk. 9:51-56.
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, ipinasya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siyay patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, "Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?" Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. "Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo," sabi niya, "sapagkat naparito ang Anak nag Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila." At nagtungo sila sa ibang nayon.
Ang paglalakabay ni Jesus patungong Jerusalem ay sentro sa Ebanghelyo ni Lukas. Sa Jerusalem "makukuha" si Jesus. Doon, siya ay maghihirap. Doon siya mamamatay at mabubuhay na muli sa isang panibagong buhay. Mula rin doon, siyay aakyat sa langit pabalik sa Ama.
Ang lahat ng ito ay ayon sa kalooban ng kanyang Ama. Palaging tinutupad ni Jesus ang kalooban ng Ama. Matapat siya sa Ama. At matapat din siya sa atin. Siyay maghihirap, mamamatay at muling mabubuhay.
Kung kaya ang paglalakbay na ito ni Jesus ay napakamakabuluhan. Sa Jerusalem, kanyang isasaganap ang kaligtasan ng lahat ng sankatauhan at ng buong sanlibutan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended