^

PSN Opinyon

Mga biyaya ng abokado at oregano

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PINAKAMASUSTANSIYANG prutas umano sa mundo ang abokado. Mayaman ito sa bitamina, protina at mineral na kailangan ng ating nerves, muscles and bones. Bukod sa masustansiya, gamot din ang abokado sa maraming karamdaman. Ito’y nagpapababa ng cholesterol at tumutunaw sa fats at toxins. Ang abogado ay lunas din sa mga may sakit sa atay, gout at rayuma. Mabisang gamot din sa sipon at ubo at pampatibay din ng ngipin at gilagid at sa mga babaeng may problema sa pagreregla epektibo ang nilagang dahon ng abokado na gamit din para ang mga balat ay maging makinis at flawless.

Marami rin ang mga biyaya buhat sa oregano na hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa ay napatunayang epektibong halamang gamot. Sa Tsina ang oregano ay nilalaga at ginagawang tsaa. Ang oregano tea ay hinahaluan ng honey para masarap inumin. Sa India ang katas ng oregano ay gamot sa namamagang talukap ng mata. Sa Malaysia ay gamit ang oregano sa mga dumaranas ng pananakit ng dibdib at gamot din sa ubo at bronchitis.

Sa mga napaghihilo habang nagbibiyahe dapat silang painumin ng nilagang bulaklak ng oregano para mapawi ang kanilang pagkahilo. Mabisa ring gamot ang oregano sa may indigestion, kabag at sa mga babaeng sobrang sakit ng puson kapag nireregla. Gamot din ang oregano sa paso, buni at iba pang skin diseases. Mayaman ang oregano sa volatile oil at calcium. Gaya ng pandan, ito rin ay pampalasa ng pagkain.

vuukle comment

BUKOD

DIN

GAMOT

GAYA

MAYAMAN

OREGANO

SA INDIA

SA MALAYSIA

SA TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with