EDITORIAL - Talamak na corruption ang bukambibig
September 20, 2003 | 12:00am
CORRUPTION ang pinaka-sikat na pinag-uusapan sa bansa ngayon. Bago pa man pinasabog ni Sen. Panfilo Lacson ang kanyang bomba laban kay First Gentleman Mike Arroyo, ang usap-usapan sa katiwalian sa gobyerno ay matagal nang umaalingasaw.
Kung limpak-limpak ang tinipak ni First Gentleman, batay sa ibinulgar ni Lacson, limpak-limpak din naman ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Gaano karami ang corrupt sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways at marami pang iba? Kaya hindi nakapagtataka na ika-11 sa mga corrupt na bansa ang Pilipinas.
Sa Customs kahit na karaniwang messenger lamang na sumasahod ng P6,000 ay may dalawang mamahaling sasakyan. Sa BIR ay walang ipinagkaiba sapagkat namumutiktik din ang bulsa ng revenue director at nagmamay-ari ng mga lupain, mansion at maraming mamahaling sasakyan. Sa DPWH ay bukambibig na ang corruption. Maraming opisyal ang tumitipak sa mga maanomalyang kontrata.
Pero ngayon ay nadagdagan pa ang bilang ng mga tiwaling tanggapan. Parami nang parami ang mga corrupt na opisyal. Nabubulgar ang kanilang mga baho. Kabilang pa sa mga inaakusahan ng katiwalian ay ang Department of Environment and Natural Resources at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Inakusahan ni Juliano P. Nacino si DENR Sec. Elisea Gozun sa pag-aaward nito ng $2.6 milyong kontrata sa isang firm kung saan isa umano ito sa mga may-ari. Si Nacino, hepe ng legal services ng DENR ay naunang naibalita na puwersahang pinagbitiw dahil sa pagsalungat nito sa pag-aaward sa consultancy contract sa Gaia South at sa mga foreign partner nito. Itinanggi naman ni Gozun ang paratang ni Nacino. Tinanggal umano ito sa puwesto at hindi nag-resign dahil unsatisfactory ang performance.
Ang Pagcor ay nababalot man ng kontrobersiya. Diumanoy nasa serious financial difficulty na ang Pagcor. Sisinghap-singhap na raw. At ang ugat daw ng problema, mismanagement. Itinanggi naman ito ni Efraim Genuino, chairman at chief executive officer ng Pagcor. Si Genuino at First Gentleman Mike Arroyo ay magkaibigan. Nabanggit sa pagbubulgar ni Lacson si Genuino na umanoy isa sa mga madalas na magpunta sa LTA Building sa Makati City at may dalang bag.
Ano pang ahensiya ng pamahalaan, ang masasangkot sa mga kontrobersiya? Katiwalian ang mainit na pinag-uusapan. Walang ibang kawawa kundi ang taumbayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest