EDITORYAL - Pulis sa bus at nightclub
September 19, 2003 | 12:00am
ISA sa pinakatumpak na ginagawa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ay ang pagde-deploy ng mga detectives sa airconditioned buses para mapigilan ang talamak na holdapan. Matagal nang namamayani ang mga holdaper at walang magawa ang mga kawawang pasahero, driver at konduktor sa paulit-ulit na paglimas sa kanilang pera at mga kagamitan. Sumasalakay ang mga holdaper kahit sa araw at walang pangimi. Kadalasan ay tatlo hanggang apat na holdaper ang sumasampa sa bus.
May dalawang linggo nang naka-deploy ang mga police detectives sa mga buses para hadlangan ang mga holdaper. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director Reynaldo Velasco na may dalawang detectives ang kanilang idinedeploy sa mga bus, naka-civilian ang mga ito at handang-handang makipagsalpukan sa mga holdaper. Inamin naman ni Velasco na kulang pa rin sila sa tauhan kaya may mga bus pa rin na hindi madedeployan ng mga detectives. Ganoon pa man, malaki umano ang magagawa ng mga detectives para mapigilan ang mga masasamang loob.
Kamakalawa ng gabi, isang holdaper ang napatay ng mga detectives habang nanghoholdap sa bus kasama ang tatlong iba pa sa kahabaan ng Commonwealth Ave. Quezon City. Dakong 6:30 ng gabi, sumakay ang apat na holdaper sa bus na biyaheng Fairview at nag-anunsiyo ng holdap. Nagpakilala ang mga detectives subalit nagpaputok ang mga holdaper. Gumanti ang mga detectives. Tinamaan ang isa, nahuli ang dalawa samantaang ang isa pa ay nakatakas.
Maganda ang naisip na ito ng PNP. Sa dami ng mga nangyayaring krimen ngayon, mapapanatag ang kalooban ng mamamayan. Huwag lamang maging abusado o maging trigger happy ang mga detectives, malaki ang magagawang tulong para maprotektahan ang mamamayan.
Sa mga bus dapat magbabad ang mga pulis kaysa sa mga nightclub, videoke KTV at magpapakalango sa alak o magpapasarap sa kandungan ng GRO. Kung magagawa pa ng PNP regular ang gawin nilang pagpapatrulya upang madurog ang kidnapping syndicate na ang puntirya ay ang mga kabataang babae. Isang halimbawa ay ang pagdukot kay Maureen Elizabeth T. Pizarro sa Quiapo underpass. Nagsimba sina Maureen sa Quiapo church at nang magdaan sa underpass sa hagdan palabas sa R. Hidalgo ay dinukot ng mga kalalakihan. Kung may pulis na nagpapatrulya sa mga oras na iyon, hindi madudukot si Maureen.<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest