^

PSN Opinyon

Magandang ginawa ng administrasyong GMA?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MARAMI raw nagawang maganda ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria, ito ang kanyang pinagmamalaki at umangal pa sa media dahil puro batikos at masamang balita lang daw ang nilalathala ng mga diyaryo.

Naisip ko ito kaya namasyal ako mismo sa palengke ng Balintawak, sa may Clover Leaf at nakipagkuwentuhan sa mga kababata at kaibigan. Diyan ho tayo lumaki at pinagmamalaki natin yan kahit kailan.

Tinanong natin ang mga nagtitinda at mga namimili kung ano ang mga magagandang nangyayari sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria at ang importante ay umunlad ba ang kanilang buhay.

Masakit Madam President dahil walang nagsabing gumanda ang kanilang buhay sa panahon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Kuwento ng isang vendor ng gulay, dati-rati nakabebenta sila ng mga P500 kada araw pero ngayon may araw pa na ang tinda nila ni hindi aabot ng P100. Si Aling Amy nga may apat na anak pero ang pinakamataas na inabot ng isa ay high school ang iba, elementarya lang. Lahat napilitang tumigil dahil sa hirap ng buhay. Ang kanyang asawa na dating nagbibiyahe ng isda para itinda sa Balintawak at Novaliches ay tumigil na.

"Lugi lang, kaya tumigil sa paghahakot ng isda," sabi ni Aling Amy.

Ang mga nagbebenta naman ng tuyo na P80 kada kilo ay nagsabi rin na sumobrang tumal ng negosyo. Dati raw ay maraming namimili ng mga kalahating kilo o kaya’y isang kilo pag-pay day, ngayon daw, yung mga tuyong tinitinda nila ng P10 kada tumpok ang binibili.

Si Manang Gloria na kapangalan ng Donya ay dating nakauubos ng tatlong garapon ng malamig pero, ngayon isa lang alanganin pa. Tinda nila ay P5 kada baso pero, kahit na matindi ang init ay kokonti ang bumibili.

Si Mang Ricky ay dating nagtatrabaho sa gobyerno bilang kaswal ng 20 taon pero sinibak dahil wala siyang kapit ay nagtitinda ng itlog na binalot sa harina. P5 kada itlog ang tinda niya at nakakabenta siya ng mga 20 tray o 240 piraso kada araw noon.

"Ngayon, sampung tray na lang at pag minalas-malas pa at napadaan ang pulis o MMDA ni Bayani Fernando ay kakain pa ng libre, lugi na at sorry na lang kami ng mag-anak ko," malungkot na kuwento ni Mang Ricky.

Si Tony, 14 gulang, naman na napilitang tumigil sa pag-aaral kahit na magaling siyang estudyante sa Balingasa ay kargador na lang at tumutulong sa pagbubuhat sa mga namimili at umaasang mabigyan ng P5 kada buhat. "Minsan P1 lang ang binibigay pero anong magagawa ko, kesa wala," salaysay naman ni Tony.

Tinanong naman natin ang isang tindera at ang kuwento niya ay pinakamabili ngayon ay asin na lubos nating pinagtaka. Tanong tuloy natin, bakit hindi Lucky Me o toyo o patis at ang tugon niya, mas mura kasi ang asin.

Si Aling Julie na suki sa tindahan ang nagkwento sa atin na ang isang kilo pala ng asin ay nagkakahalaga lang ng P6 samantalang ang toyo ay P8 kagaya ng patis. Ang Lucky Me naman, lumiit na kaya kulang ng ulam.

Eh ano ang kinakain ng karamihan? Di bibili ng tumpok-tumpok na gulay (mga medyo sira na) sa halagang P10 kada tumpok igigisa sa konting mantika na nabibili sa halagang P5 kada bote ng lapad na Tanduay at dadagdagan na lang ng asin.

Sabi ko sa kanya, masarap naman ’yon wag lang magkasakit sa bato, sagot niya ok na nga "pero hindi tatlong beses isang araw ’yon. Dalawa lang dahil hindi kaya ng suweldo naming mag-asawa."

Si Aling Julie ay naglalabada pero konti na raw ang nagpapalaba samantalang ang mister niya ay nag-eextra sa mga construction pero madalas daw wala na ring trabaho.

Ang mga anak ni Aling Julie, ’yon tiyak ang tanong n’yo, "Nasaksak si Boy noong nakaraang taon nang may nagrambulan sa kanto namin, si Natalie naman pinauwi ko muna sa magulang ko sa Pangasinan, baka madisgrasya lang," malungkot niyang tugon.

Dati masaya akong makipagkuwentuhan sa kanila, bumabalik ako sa pinanggalingan pero ngayon lubos ang lungkot puwera lang itong pulis na kaibigan ko na dinatnan ko sa may karinderya ni Aling Chayong. Malungkot din ang kanyang kuwento pero may katatawanan.

"Mahina rin ang kita at yung totoo walang delihensiya, ni hindi kami makapanghingi, baka saksakin ka ng mga vendors at tindero at tindera pero okay na rin kahit paano, hingi na lang kami ng gulay o iba pang pagkain, iba na ngayon IN KIND NA," pabirong tugon niya sa amin.

Tayo nga pala ang nagbayad ng kinain niya kay Aling Chayong kasi libre siya, kawawa naman ang matandang nagkakarinderiya na noon pa natin kinakainan mula pagkabata.

Kayo ngayon ang humusga, gumanda ba ang buhay n’yo? May maganda bang nagawa ang administrasyong ito? Mag-iingat lang kayo sa sagot n’yo, baka sabihin ay mang-aagaw kayo o miyembro ng destabilization o di kaya’y ambisyoso.
* * *
Mike at gloria arroyo makunsensya at magsisi na kau malapit na kayo humarap s hukuman ng DIOS. Tapang ng hiya nu kaya niyo lunukin mga pgkain ninakaw niyo sa mahirap.

09187067785; Sana araw-araw ang panaginip lang isa ako sa libu-libo nyong tagasubaybay. —- 09195654546; Maghintay kayo ang sb nn pgma s mga sbk s kpnngyrhan. Sana bbgo nya cnab un tinanong niya mn ang srli kung ginawa niya i2 noon. Mbuti n lng maagng nkta ang style ng pmumuno niya. —- 96657189885;

Wag sanang hayaan na ipahinto ang JOSE PIDAL issue, para malaman ang katotohanan ng sambayanang Pilipino. -— 09168502286; Sobra na ang kpal ng mukha mo mike arroyo para sbhing maawa syo! D kb naawa nung nnnkawan m ang mga mamamayang pilipino? —- 09193775490;

Kanno nga tayo dapat maawa? Ako naaawa ako kay mike at iggy dahil cguradong malilitson cla sa empyerno. Doon sa kumukulong asupre. Dba nakakaawa cla. – 09195608466; Bat da2lhn n lacson ang kaso s korte hwak n gma ang korte. Ang kapal n mike arroyo na ipatgl ang hearing sa senado. —- 09198562211.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

ALING CHAYONG

KADA

KAYA

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with