^

PSN Opinyon

Hindi kami titigil sa paggamit ng "hidden camera"

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
GUSTO kong linawin sa kolum na ito ang isyung paggamit ng ‘‘hidden camera’’ ng aming investigative team sa TV ang ‘‘BITAG.’’

Hindi namin ginagamit ang aming surveillance camera (hidden camera) kung ang pag-uusapan ay buhay ng isang pribadong indibiduwal.

Nakasentro lamang ang aming atensiyon sa mga ‘‘gawaing’’ hindi kanais-nais ninuman sa ating lipunan.

Ang paggamit ng ‘‘hidden camera’’ ay kabahagi lamang ng aming pag-iimbestiga. Ito’y upang makumpirma ang reklamo ng isang biktimang lumapit sa amin.

Kapag kumpirmado ang reklamo pinag-aaralan namin ng maigi kung papaano ito matuldukan. Agad kaming nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Pinakikita namin sa awtoridad ang nilalaman ng aming surveillance camera. Ipinauubaya na namin sa kanila ang ‘‘entrapment operation.’’ Samantalang dinudukomento na lang ng ‘‘BITAG’’ ang kahihinatnan.

Ilang beses nang nagamit ng mga awtoridad ang mga nilalaman ng aming video. At ito’y napabilang pa sa accomplishment ng kanilang unit na nakipagtulungan sa ‘‘BITAG.’’

Alam din namin na ang nilalaman ng surveillance video ay hindi puwedeng gamiting ebidensiya sa hukuman dahil ito’y ‘‘inadmissible.’’

Meron tayong batas laban sa ‘‘wire tapping’’ na kahit nahuli mo na sa akto, hindi pa rin ito puwedeng gamitin sa hukuman.

Hindi hadlang sa amin ang batas laban sa ‘‘wire tapping’’ Kabahagi ng responsibilidad namin ay kumpirmahin ang mga reklamo ng mga biktima sa ngalan ng serbisyo publiko.

Walang sinuman ang makakapagpatigil sa amin sa paggamit ng hidden camera i-dokumento ang kanilang mga gawaing pang-aabuso’t panloloko kahit pa protektado sila ng ating batas!

ALAM

AMING

CAMERA

ILANG

IPINAUUBAYA

KABAHAGI

KAPAG

MERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with