Kanino tayo dapat maawa?

LUMABAS sa media si First Gentleman Señor Don JOSE Miguel Arroyo at nakikiusap na maawa naman sa kanya ang sambayanan at tigilan na raw ang mga usap-usapan ukol sa kontrobersyal na JOSE Pidal account.

Lalong lumala ang  kanyang pakiusap nang biglang magpayo si Valenzuela City Congressman Magtanggol Gunigundo na maghiwalay daw muna si FG Señor Don JOSE Miguel Arroyo at Ang Kanyang Kamahalan Señora Doña Gloria Macapagal Arroyo.

Pero kanino  ba tayo dapat maawa? Sino ba ang dapat kaawaan? Sa mga Arroyo ba o sa sambayanang Pilipino na karamihan ay naghihirap at naghihikahos ang buhay?

Sa mga Arroyo ba na paggising sa umaga ay poproblemahin kung anong gusto nilang almusal o sa karamihan na nagtitiyaga sa lalong lumiliit na pandesal?

Sa mga Arroyo ba na mahihirapang pumili kung ang damit ba niyang isusuot ay yung gawa sa London, France o kaya’y Amerika o sa mga pumapasok sa opisinang nagmamadaling plantsahin ang unipormeng luma na kumukupas  na sa kalalaba?

Sa mga Arroyo ba na mamimili kung alin sa milyun-milyong pisong sasakyan sila sasakay at ilan ang pulis na hahawi sa kalye na kanilang daraanan patungo sa kanilang paboritong golf course o sa nakikipag- agawan sa bus, fx o jeep at matutulog ng konti sa biyahe at aasang makakapasok sa oras upang di-makaltasan ang suweldo o kitang  pilit na pinagkakasya!

Kay Ginoong Arroyo ba na mamimili kung aling golf cart ang gagamitin, aling pamalo ang kailangan o sa masang tatakbo papasok dahil hindi na gumagalaw ang traffic.

Kay Ginoong Arroyo ba na hirap mamili kung kakain  ba ng Japanese, Chinese, American, Thai, Italian, French at  iba pang putahe o sa kumakain ng kaning lamig at ulam, na tuyo o di kaya’y kapirasong ulam na binalot na ng tulog na mantika?

Kay Ginoong Arroyo ba na mag-iisip pa kung saan magsisiyesta at kung kanino magpapamasahe o doon sa empleyadong magnanakaw ng idlip  sa maliit na upuan?

Kay  Ginoong Arroyo ba na pag-iisipan pa kung saang FIVE STAR hotel magpapalipas ng oras o sa empleyadong mag- oovertime para kumita ng dagdag para sa pamilyang  walang pang meryenda?

Kay Ginoong Arroyo ba na napapaligiran ng mga abogadong de kampanilya o mga raliyistang pinagpapalo ng walang kalaban laban dahil nagpoprotesta at sumobra na ang pang-aapi sa kanila at hindi na makaasa sa hustisya?

Kay Ginoong  Arroyo ba na problema kung saan  sa mga mala-palasyong bahay na guwardiyado ng mga Presidential Security Group uuwi o sa nakararaming kakaba-kaba habang papauwi dahil baka madukutan o maholdap?

Kay Ginoong Arroyo ba na mahihirapan mamili kung gusto ba niya  ng heavy dinner gaya  ng steak, litson at iba pang ma cholesterol na pagkain o sa walang pagpipilian kung hindi Lucky Me o di  kaya’y tutong na kanin na sasahugan ng toyo o di kaya’y patis?

Kay Ginoong Arroyo ba na mamimili  kung  iinom ba muna ng Illie Coffee, red wine o imported na tsaa o makikilagok  ng Ginebra San Miguel o Ginebra Kapitan?

Kay Ginoong Arroyo ba na malulungkot dahil mag-isa sa kuwartong ubod ng lambot ang kama o doon  sa natutulog sa bulok na barung-barong na di puwedeng bumaluktot dahil nakasiksik  ang mga  anak na maliliit.

Kay Ginoong Arroyo ba na dapat pang i-set ang temperature control ng aircon at aling kumot ang gagamitin o mga nakakulambo at nagpapatay pa ng electric fan para makatipid ng ibabayad sa MERALCO?

Kay  Ginoong Arroyo ba na di malaman kung saan mamamasyal ng weekend at kung ang gagamitin ba ay helicopter, sports vehicle o ang Presidential Yacht o ‘yung mga nagbibilang ng natitirang barya kung kakasya ba para mamasahe at makapag-palamig sa mall  at makapaghati-hati ng Jollibee, Chow King, Kentucky o kahit fishball na  lang?

Kay Ginoong Arroyo ba dahil mahirap pumili kung saang bansa magbabakasyon at kung sa bahay sa San Francisco na titira o sa mamahaling hotel o doon sa hindi makatiyak kung may trabaho pa upang makabayad sa tuition ng mga anak?

Kayo ngayon ang magsabi, sino ang kawawa?
* * *
Sobra tama na gutom na ang Pilipino palaysin c Gloria sa palasyo. –09183237147; Kmi pong mga ofw na naoospital ay maliit lang ang ibinabawas  sa bill para sa owwa medicare, disability, burial, financial assistance ay pinatigil.  Kmi na byani ng bayan.  Npasaan ang milyng milyong  pera na knukuha sila sa aming mga ofw.  Ibinigay na b ni owwa adm. Angelo ky jose pidal ang pera ng ofw.  Maawa knaman sa amin sir. –09272524395;

Kung ayyaw magsalita si iggy dapat ideklara siyang fall guy ni mike at ituloy ang paggisa kay mike arroyo. –09208357733;  last Estrada adm  vry  serious n  active d jker at barbers obvious bias cla they wer vted by d fil pipol not by  d arroyo wise  n pinoy nw. –09194202902;

Senado wg mgbulgbulgn mg2lungan kayo pr makuha milyones ng mgkptid n  arroyo unfair kyo ky erap mging parehas kyo. – 85297105344; Sa tingin kng jose pidal gwagwa lng n lacson. –09183451136.  lalo lang nalulubog sa kumunoy ang mga arroyo! Buksan ang pidal account. –09206069408; Dapat palitan ang diosdado macapagal ave. gawing jose pidal ave. –09204419379;

Naniniwala pa rin ako sa karma. At yan ang ngyyri s first couple. Karma n yn s gnawa nl k Estrada. –09169127190;  Sen barbers hwag nyong gwing bobo ang taong byan tngkol sa jose pidal case. –09208605759; Iggy bka pag pnapa kumpisal k sa pari right to privacy p rin sgot mo. Matakot ka sa Dios. –09196457586;

Gn2 talaga pala s gbyerno pg me rali klangan kmi mga kawani sama s knila. Pmpirma at me attendance pa! Pero un po productivity pay nmin 7 yrs d prin bigay  bkit gnon. –09223355695.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua @yahoo.com o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments