Nagkasalu-salubong na pakay magkudeta
September 12, 2003 | 12:00am
WALA nang pupuntahan si Sen. Gringo Honasan matapos ang termino sa Hunyo 2004. Ika-13 siya nung 2001 election, kaya tatlong taon lang sa puwesto, at tagapuno sa nabakante ni Vice President Tito Guingona. Pero nais pa niyang manatili sa poder dahil, ika ng mga pinuno ng RAM tulad ni Col. Proceso Maligalig, ambisyoso siya.
Malamang masentensiyahan ng bitay sa plunder si Joseph Estrada. Hindi niya dinepensahan ang sarili sa paglilitis, inalis ang mga abogado, at hindi nakipag-cooperate sa mga itinalaga ng Sandiganbayan. Talo siya dahil default. Di na makakatikim ng layang magsugal, alak at babae.
Kung ipasa ang Report No. 237 malamang na paalisin sa Senado si Ping Lacson dahil sa drug trafficking at kid-napping. Mawawalan siya ng panangga. Malamang din ay ibasura ng Korte Suprema ang apela niya na huwag nang buhayin ang Kuratong Baleleng murder case. Nonbailable yun. Kulong siya habang nililitis.
Yang tatlong motibo, ayon sa PNP at AFP intelligence, ay nagsalu-salubong sa paglunsad nina Gringo, Erap at Ping ng kudeta. Halata sila. Walong buwan na lang ay eleksiyon na ng bagong Presidente. Kung basta ayaw lang nila kay Gloria Arroyo, konting panahon na lang ang ihihintay para mawala ang babaeng kaaway. Pero dahil desperadong mawala sa poder, masentensiyahan ng bitay, at makulong sa murder, pinondohan nila ang AFP junior officers sa Oakwood Hotel nung July 27 at patuloy na pagre-recruit para sa second wave.
Ano mang tanggi ni Gringo sa media, 25 officers na ang sumumpa na kasama siya sa blood compact na magkudeta ang Magdalo group. Si Erap ay nagbigay ng mga sasakyan at bahay (ng kabit, anak at aide) para staging points. Ambag ni Ping, ayon sa intelligence agent na kausap ni Gringo, ang P30 milyon at brand-new radio transceivers.
Tatlong dating mambabatas ang kasabwat. Sila ang taga-akusa ng corruption sa gobyerno, para mag-udyok ng kudetat rally. Yun nga lang kada banat nila, lalong tumataas ang survey ratings ni Gng. Arroyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest