Kasagutan ng POWERHOMES
September 10, 2003 | 12:00am
SA ngalan ng PATAS at PAREHAS na laro, narito ang kasagutan ng POWERHOMES UNLIMITED CORPORATION sa aking naisulat na kolum nitong nakaraang Biyernes.
Nag-iwan ng masamang "panlasa" sa pamunuan ng POWERHOMES ang nilalaman ng aking mga naisulat na may pamagat ay "Natatamasa na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang inaasam-asam laban sa POWERHOMES!"
Agad akong nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Director for Liaison and Information ng POWERHOMES na si Benjie Lagman. Itoy upang linawin na ang mga nakasulat na kautusan (CDO) ng SEC ay hindi pa puwedeng ipatupad.
Kamakailan lang, binawi ng Court of Appeals (CA) ang injunction na ipinagkaloob sa POWERHOMES noon.
Kaya agad nagpalabas ng kautusan ang SEC na ipatupad ang CEASE and DESIST ORDER (CDO) laban sa kanila, bagamat nakapag-file agad ang POWERHOMES ng Motion for Reconsideration (MR)
Nag-aalala ang pamunuan ng POWERHOMES. Gusto nilang maging singlinaw ng sikat ng araw, hindi pa raw natatapos ang laban. Hindi pa raw pinal ang lahat, kaya hindi pa puwedeng ipatupad ng SEC ang kanilang kautusan (CDO).
Kinuha ng kolum na to ang reaksiyon ng isa naming kasamahan sa pamamahayag si Atty. Batas Mauricio hinggil sa "procedure."
Aniya, "Ben, the injunction still stand because POWERHOMES was able to file the Motion for Reconsideration within 15 day timely filing."
Ganito rin ang ibinigay na pananaw ni dating Justice Secretary Silvestre Bello III hinggil sa usaping ito, matapos namin siyang tawagan upang kunin ang kanyang legal na opinyon.
Gusto ko ring maging sinlinaw ng sikat ng araw, partikular doon sa mga dating miyembro ng POWERHOMES na hinahamon ang kolum na to.
Kataka-taka raw ang aking pananahimik matapos bawiin ng CA ang injunction. Naglalaro raw kasi sa kanilang isipan na akoy nabayaran ng POWERHOMES. Kaya hindi ko raw maisulat ang simpleng pagbawi ng injunction ng CA.
Naway nagbigay linaw ang kolum na to at ipinakikita ko na umiiral ang prinsipyo kong ipinagmamalaki noon, ngayon at kailanman. Hindi ako nabibili at hindi ako ipinagbibili!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest