Kahit anong "insayo" ang kanyang gawin i-kondisyon ang kanyang isipan at isaulo ang kanyang mga sasabihin, sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya ngayon, lilitaw at lilitaw ang kanyang kasinungalingan.
Gaano man kagaling ang kanyang mga "handlers" o yung mga taong nagtuturo na "baligtarin" ang kanyang mga nauna ng pinagsasabi, hindi na siya magiging kapani-paniwala.
Ang paghihingi niya ng dispensa sa taong kanyang nauna ng siniraan ay maituturing "stratehiya" lang sa pananaw ninuman na hawak ang kanilang isipan.
Lalo lang ito nagkaroon ng butas dahil nanatiling kuwestiyunable ang sinseridad ng kanyang paghingi ng paumanhin.
Totoo ang kasabihang, "ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw." Pagnanakaw ng cell phone ang dahilan kung bakit sinibak ni First Gentleman Mike Arroyo ang kanyang "ahas" na inaanak na si Udong Mahusay.
Nag-iwan ng maraming "butas" ang mga pinagsasabi nitong si Udong Mahusay sa Senado kahapon.
Una niyang "ginago at tinarantado" ay si First Gentleman Mike Arroyo. Sinubukan niya si Senador Nene Pimentel, pero hindi siya umubra.
Ang sunod na ginawa niyang tanga si Senador Ping Lacson. Ngayon sinusubukan niyang "paikutin" ang buong Senado. Nahalata siya ni Senador Robert Jaworski kaya "nilait" ang uri ng mga taong kapareho niya.
Nung tanungin siya ni Senator Tessie Oreta,"Udong nagsasabi ka ba ng katotohanan kapag ikay nagagalit?" Ang sagot nitong si utong este si Udong kay Oreta, "Opo!".
Susmaryosep! Udong inaamin mong totoo ang iyong mga naunang pinagsasabi kay Lacson dahil may galit ka noon kay First Gentleman?.
Eh ano tong pinagsasabi mo sa Senado kahapon? Hindi ka galit, ibig mong sabihin nagsisinungaling ka?
COMPLAINTS; type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message)
FEEDBACK; type BITAG<space>FB><space>(message)
I-text at send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText).
O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.