EDITORYAL - Kailangan pa ang maraming Acsa
September 3, 2003 | 12:00am
ANG mga katulad ni Acsa Ramirez ang kailangan ngayon ng bansang nababalot sa talamak na corruption. Ang mga katulad niyang matatapang at malalakas ang loob na magbulgar ng katiwalian ang hinahanap ng sambayanan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa mga nangyayaring katiwalian ngayon. Lalo pang nadagdagan ang pagkasuklam sa mga akusasyong namamayani ngayon sa pagitan ni Sen. Panfilo Lacson at First Gentleman Mike Arroyo. Katiwalian din ang paksa. Sangkatutak na pera ang sangkot. Maraming bank account ang First Gentleman batay sa Chapter 2 ng ibinunyag ni Lacson kamakalawa. Si Lacson kaya at si Ramirez ay iisa ang hangarin sa buhay ang durugin ang mga tiwali? Harinawa.
Katiwaliang hindi masikmura ang nagtulak kay Acsa Ramirez para ibulgar ang P431-milyon tax scam sa pinaglilingkurang Land Bank of the Philippines, Binangonan Branch noong August 2002. Subalit masaklap ang kinahinatnan ng "whistle blower" na si Acsa sapagkat nang iharap siya ng National Bureau of Investigation (NBI) kay President Arroyo, siya pa ang itinurong suspect. Siya ang nabagsakan ng tabak. Ang sakit Kuya Eddie!
Ang matindi, ipinagpatuloy ng NBI ang pagkaso sa kanya at dahil doon nalaglag ang sanggol na dinadala ni Acsa. May walong buwan silang nagtago ng kanyang asawa sapagkat marami ang nagbabanta sa kanyang buhay bunga ng kanyang ibinulgar na katiwalian. Kahit na nilinis ng Ombudsman ang kanyang pangalan at hindi kasangkot sa tax scam, patuloy pa rin ang NBI sa pagsikil sa kanya. Maging si President Arroyo ay hindi nag-sorry sa nagawa.
Noong Biyernes lamang napagpasyahang mag-sorry ni Mrs. Arroyo kay Acsa. Kasunod na nag-sorry si NBI Dir. Reynaldo Wycoco. Nakapagtataka na kung bakit umabot pa ng isang taon bago nakapagpasya si Mrs. Arroyo at si Wycoco. Natiyempo pa sa panahong nayayanig ng kontrobersiya ang kanyang administrayon dahil sa pagkakasangkot ng kanyang asawa sa katiwalian. Ganoon man hindi pa rin huli ang lahat. Isang epekto lamang ay baka wala nang lumantad para magbulgar ng katiwalian sapagkat baka mapagkamalan pang suspect.
Kailangan ang marami pang katulad ni Acsa na matapang magsiwalat ng katiwalian at kabulukan sa gobyerno. Ang nadiskubre ni Acsa ay maaaring kapiranggot lamang kumpara sa mga nangyayaring katiwalian sa Bureau of Custom, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and Highways at marami pang iba. Panahon na para lumantad ang mga katulad pa ni Acsa upang mapigilan na ang pangungurakot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended