Asawa ka ba ng pangulo?

MASAMA raw ang loob ng isang ginang ng di siya pagbigyan ng Clerk of Court ng Manila  Regional Trial Court na piyansahan ang kapatid niya dahil dumating siyang pasado 4:30 ng hapon samantalang si  Señor Don JOSE Miguel Arroyo na kasabay niyang dumating ay pinayagang mag-file ng libel case.

Ibinalita ito sa PHILIPPINE STAR noong Sabado at naisip  ko na may problema ang ginang na ito.  Nabubuhay siya  sa isang mundo ng PANAGINIP LANG dahil maaaring naniniwala siya na pantay-pantay tayo sa harap ng batas.

Ano naman ang karapatan niya,  asawa ba siya ni Madam Señora Donya Gloria?  Marami ba siyang bodyguard na ang nagbabayad ay taong bayan? Meron ba siyang  opisina sa  8th floor LTA building, 118 Perea St., Makati City? Bukod sa mga bodyguard na miyembro ng Presidential Security Group, meron  bang mga  pulis  at military na nagbabantay  sa opisina at bahay niya o kung saan man  siya nagtatrabaho?

Noong dumating ka  sa Manila city hall, meron bang convoy at katakut-takot na wangwang ng mga hagad para walang traffic? Sipsip ba sa’yo ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at sa opisina mo ba nagre-report ang mga ito? Meron ba  silang mga dalang mga MAHIWAGANG  BAG pag nagre-report sa iyo?

Madalas ka bang maglakbay papuntang Hong Kong at may dala ka bang MAHIWAGANG BAG na hindi puwedeng inspeksyunin sa airport?

Biyenan mo ba ay ang yumaong Pangulong  Diosdado  Macapagal, kung kanino pinangalan ang pinakamahal na kalye sa buong  mundo? Bise Gobernador ba ang anak mo?  

Ka-address  mo ba ang mayaman pero very low profile na si JOSE PIDAL? Meron ka bang lolo  na JOSE PIDAL ang pangalan? Ka-opisina mo rin ba ang mga sikat at  napakayamang si Victoria Toh? Thomas Toh Jr? at Kelvin Tan?

Nagkalat ba ang mga bank accounts mo hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bayan? Pinapansin ka ba ng Morgan Stanley dahil milyon din ang dollar account mo? 

Marami ka bang kompanya na  kasosyo mo uli sina Victoria Toh, Thomas Toh Jr. at Kelvin Tan?  Eh mga properties sa San Francisco, Vancouver at iba pang lugar, meron ka ba?  May joint ownership ka ba na mga building with Victoria Toh?

Kaya mo ba kaming isama sa Presidential Yacht? Isakay sa helicopter para lang maggala  sa Tagaytay? At ipasyal ang secretarya sa ibang bansa? Meron ka bang empleyado  at inaanak na  Eugenio "Udong" Mahusay  Jr?

Kung gustong mag-family reunion ng empleyado mo pinasusundo mo ba kay  Housing Secretary  Michael Defensor? Kaya mo ba papuntahin si  Presidential Spokesman Ignacio  Bunye at pasundo pa sa dalawang Presidential helicopter?

Mahilig  ka ba  sa hayop lalo na  sa kabayong pangarera at puro  mga  thoroughbred pa, kaya  kontrolado  mo na ang horse  racing sa  bansa?

Tiyak ko sa lahat ng tanong ko ay wala o hindi ang sagot kaya ang masasabi ko sa kawawang  ginang na  ito  at sa kanyang kapatid na napilitang magdusa sa kulungan ay huwag masyadong malungkot dahil hindi siya nag-iisa.  Marami tayong ganyan kaya sana gumising na tayo at kahit sa panalangin ay hingiin na natin na _____________ (bahala na kayo sumagot sa  blanko, text n’yo ) na sana sila  ni LORD. 
* * *
Msydo nmang inuulol  mga tao. tpos gmi10  c dfensor at2 helicoptr s pgdukot kay mahusay plging  cnsbi handsoff c PGMA kso ni FGMA, tama na hus2 na! d kmi ulol. –09162052809; Alm mo Nixon kua tlgang mlapit kna,wla  ng positive sau ang admin. Arroyo puro  negative. –09198293011;

O cno namang PONSYO  PILATO na ito na nagsasabing cya raw c JOSE PIDAL? After 10days  doon k p lng lilitaw at  aakuin mo na, na ikaw iyon? STYLE MO BULOK!  Manahimik  k n lng. –09207198577; Mike arroyo, pahirap ka  sa taumbayan, makakarma ka rin. –09206069408; Dnkmi mka loan GSIS dhil knrakot   pondo nmin n mike arroyo dyn  s mcpgal blvard.  Bakit pera nmin pnkalaman nyo? –09203247088;

Pra d umalis mga nurses d2 sa PILIPINAS dgdagan sweldo, kung  pwd  lng mg coup mga nurses  gnawa na. –09208422898; Kpal ng mkha ni j pidal. Ano  yan mul2 d nakarehistro  sa  pinas milyones  ang pera sa  bangko.  Bgay dyan barilin sa  luneta ng ma2wa ang  2kayo nya. –09208048107;

Kwwa nman tyong mga mhhrap. Khit ayw ntin sa gbyernong inupo ng myyman  wla  tayong maggwa. Sa mlas,   mukhang ayaw ng btwan ng mga swpang sa kpngyarhan ang ingaw nila. –09196280305; Aayd  na lng s  PPA ang jose pidal account hrap na kmi sa npkmhal  ng singil sa kuryente. –09207123711; Sana  dalhin  c  jose pidal  sa gitna  ng dagat at ipakain  sa pating kung d cya aamin. –09205439684.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa  09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments