^

PSN Opinyon

Tiglao galit sa PSN

- Al G. Pedroche -
HABANG nanonood ako ng TV sa bahay, nag-ring ang telepono. Ang kaibigan natin at kasamahang kolumnistang si Ben Tulfo ang nasa dulo ng linya. Aniya’y kakuwentuhan niya si Malacañang Chief of Staff Rigoberto Tiglao sa birthday party ng huli. Nagrereklamo diumano porke masyado raw ang banat sa administrasyon ng mga balitang ginagamit nating banner headlines. Ayon naman sa senior reporter nating si Lilia Tolentino, ang inaayawan daw ni Tiglao ay ang ating Litra-Talks dahil ginagawa raw katawa-tawa ang Pangulo.

Wala namang Presidenteng sinanto ang Litra-Talks. Si Fidel Ramos ay pinag-scuba diving na natin sa baha sa Metro Manila. Si Joseph Estrada ay inilublob na natin sa imburnal. Kasi’y iyan ang mga malaon nang problema sa lipunan. Ang di masawatang baha at ang mga open manholes na hindi maaksyunan ng mga lokal na opisyal kaya Presidente na ang tinatawagan natin ng pansin.

Bilib kami kay Sen. Nene Pimentel. Kahit naupakan siya minsan sa Litra-talks, personal siyang tumawag at nagpasalamat pa at nagbigay naman ng kanyang panig sa isyung ating pinupuna.

Hindi ko masakyan ang reklamo ni Mr. Tiglao. As far as I know, balanse ang trato natin sa lahat ng kontrobersyal na balita, lalu na yung mga nakaaapekto sa administrasyong Arroyo. Ayaw naming maging one-sided dahil ang diyaryo ay hindi dapat kumiling kanino man. Sa ganang amin, we deliver the news objectively and without bias and we let the readers shape their own opinion. May mga personal na opinyon din ako pero hindi iyan reflected sa mga balitang aming inihahatid. Mayroon naman akong kolum para ilahad ang aking sariling pananaw at kurukuro.

Mapapansin ninyo na sa kaso ng pagbubunyag ni Sen. Ping Lacson laban kay First Gentleman Mike Arroyo, may araw na ang panig ni Lacson ang ating main story at may araw na ang panig ni FG ang bibibigyang diin. Salit-salit for the sake of balanse. Nung panahon ni Marcos, ako’y nagsilbi sa radio station ng pamahalaan. Naging instrumento ako ng propaganda ni Marcos at hindi ko bibigyang hustipikasyon ang aking ginawa. Iba na ngayon. Wala nang martial law at naglilingkod ako sa isang pribadong pahayagan. Tapos na ang mga araw ng pagiging propagandista.

BEN TULFO

CHIEF OF STAFF

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LILIA TOLENTINO

LITRA-TALKS

METRO MANILA

MR. TIGLAO

NENE PIMENTEL

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with