^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Filipino tabloids:Tagasulong ng wika

-
SI Ilocos Norte Rep. Imee Marcos ang kauna-unahang Kongresista na kumilala sa mga Filipino tabloids bilang tagapagpalaganap ng Wikang Pambansa –ang Filipino. Napakagandang marinig mula sa isang mambabatas na malaki ang naging kontribusyon ng mga tabloids para mapayabong ang wika at higit doon, ang mga diyaryo ring ito ang naging instrumento para magising ang kamalayan ng masa sa mga nangyayari sa lipunan. Naipabatid ng mga tabloids sa sariling wika ang mga nangyayari lalo sa pulitika at pangkabuhayan. Ang Pilipino Star NGAYON at PM (Pang-Masa) ay kabilang sa mga tabloids na kinilala ng kongresista. Naging angkop ang pagpapahalaga ni Marcos sa mga tabloids dahil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika (Agosto 1-31).

Subalit mas mainam kung may magagawa pang hakbang si Rep. Marcos para lalo pang mapaunlad ang wika. Bilang isang mambabatas na nagpakita na ng malalim na interes sa pagpapayabong ng wika, bakit hindi niya pangunahan ang paglikha ng batas na mag-uutos sa pagtatatag ng isang Filipino university na ang tanging pag-aaralan ay ang wikang Filipino lamang. Sa ganitong paraan, lubusang mahahasa ang mga Pinoy at makatutuklas pa nga ng mga bagong salita na magpapayabong pa sa wika. Kasabay sa pagpapakadalubhasa sa Filipino, pagbutihin din ang pag-iingles.

Sa ginawang press forum sa Trader’s Hotel noong Agosto 19 na sponsor ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), nakatatakot ang sinabi ng isang tagapagsalita na kung hindi magkakaroon ng matibay na pagmamalasakit sa Wikang Pambansa, maaari itong mamatay at maging katulad ng mga wikang Latin at Hebrew. Isa sa mga problemang nakikita ay ang kakulangan ng mga libro o babasahin sa Filipino na dapat malimbag at maipamahagi sa taumbayan para sa kanilang kaalaman. Hindi gaanong aktibo ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga paligsahan sa pagsulat ng kuwento, sanaysay at tula. Inamin naman ng KWF na kulang na kulang sila sa pondo. Anila, kung may sapat silang pondo magagawa nila ang mga hakbang sa pagpapayaman sa wika.

Nasa pamahalaan ang pagkukulang kung sakali at mamatay ang wika, huwag naman sana. Masyadong okupado ng usapin sa corruption, kudeta at pulitika ang bansang ito kaya marami ang nakakaligtaan pati ang pagpipreserba sa wika.

Paano na ang buhay Pinoy kung walang Filipino tabloids? Hindi malalaman ng masa ang nangyayaring corruption at maputik na pulitikang nagpapasama sa bansa. Salamat sa Filipino tabloids.

AGOSTO

FILIPINO

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

PILIPINO STAR

PINOY

TABLOIDS

WIKA

WIKANG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with