Noong panahon ng pinatalsik at ngayon ay nakakulong na dating Pangulong Joseph Erap Estrada ay sobra ang pag-iingay na ginawa nila, kasama na riyan ang pag-oorganisa nila ng ibat ibang klaseng mass actions.
Nababahala tayo sa kanilang katahimikan dahil masamang isipin ng sambayanan na DOUBLE STANDARD sila at umalma lang sila noon dahil hindi nila kandidato si Erap. Alam nating lahat na nahalal si Erap bilang Pangulo dahil sa suporta ng Masang Pilipino.
Ayaw nating isipin na ang mga moralistang nakaaangat sa ating lipunan ay namimili ng taong gusto nilang pa-imbestigahan, gayong ang pinag-uusapang isyu ay pareho.
Kay Erap si Jose Velarde, kay First Gentleman Jose Miguel Arroyo si Jose Pidal. Parehong may Jose, parehong milyones ang di maipaliwanag na yaman, parehong nakatira sa Malacañang, parehong pinaka-makapangyarihan sa bansa sa kani-kanilang panahon.
Sa mga pinuno at miyembro ng Civil Society, kay Cardinal SIN at Simbahang Katoliko kasama ang CBCP, ang mga dating maiingay na cause oriented and non-government organizations (NGO) nanonood po ang sambayanan.
Pinanonood kung ano ang gagawin nyo, lubos na umaasa pa rin na natulala lang kayo dahil di nyo akalaing ang niluklok nyo sa puwesto ay ganoon ang gagawin. Talagang nakakagulat dahil walang kadala-dala ang mga taong ito pero dapat na kayong matauhan.
Patunayan nyo na mali ang kanilang hinalang pagkakampi at kauri ninyo ay maaaring gawin ang gusto at hindi kayo kikibo dahil nakikinabang kayo.
Ngayon nyo ipakita na maaasahan kayo, na lalabanan nyo ang pangungurakot, na wala kayong sinisino at higit sa lahat MAHAL NYO ANG BANSANG PILIPINAS.
Huwag nyong hintaying lubos na maubos ang maikli ng pasensya ng nagugutom, naghihirap at nagiging desperadong masang Pilipino. Huwag nyong hintayin na umalma ang MASA, punumpuno na sila.
Ibat ibang paraan ng pananakot at panunupil sa media pero Madam President (o yan baka kasi kasuhan ako ng rebelyon) hindi na ho uubra yan. Titiyakin ko po sa inyo na hindi kayo puwedeng maging Reyna at si Sir Señor Don Mike Jose Pidal Arroyo ay di magiging Hari.
Hindi na uubra yan, sa bawat isang mapatahimik nyo sa anumang paraan sampu ang mag-iingay at lalaban.
Lantad na at sumisingaw ang baho ng admnnstrasyon n gma. Bat d k pa bumaba sa pwesto? Gigil na ang masa sau. 09168395378; Naggng dktdor na c gma! Trbhho lng ung gngawa ni Perez as reporter. Ang yabang pa nyang uumsta. Mahiya sya dhil d nman sya ibino2 as Pres. 09167217995;
Ang dapat cguro gawin parusahan cla kng i2 ay 220 at dapat cguro palitan n ntin ang pangulo. Mag eleksyon para lahat ng alipores n arroyo palitan na hbang dpa huli ang lahat. Kawawa nman taong byan lubog na tau sa utang kc kung cno pa pinuno sya p una nagwawaldas ng pera ng bayan. 09198206072;
D absence of pipols mandate n d arroyo govt made it so corrupt and anomalos. 09168500219; Walang matinong opisyal ang Pinas, mula pres pababa puro kurakot. Taongbayan kawawa. +85296034025.
Yan ho ang ilan sa mga text messages na natanggap natin. Para sa hindi napagbigyan, pasensiya muna at pipilitin nating pagbigyan sa susunod. Siyanga pala ang tanong na importante, naniniwala ba kayo na si FG Mike Arroyo ay si Jose Pidal?